Natural lang ba na magmakaawa? yung tipong gusto mo lumuhod sa harapan niya para mapansin ka niya?

Pag dumating yung puntong iiwan ka na nya, yung tipong hindi mo sya kayang pakawalan. Yung naninikip dibdib mo. Ayaw tumigil ng luha mo. Ang hirap huminga. Ang hirap mag-isip. Yung parang hindi ka makagalaw, nanginginig sa takot na mawawala na sya. Ang daming pumapasok sa isip mo na bakit. Hindi mo alam yung sasabihin mo pero ang dami mong gusto isigaw. Ang dami dami mong emosyong tinatago sa puso mo. Galit dahil aalis na sya. Pero hindi mo malabas kasi lahat ng gusto mong sabihin ay yung mga bagay na alam mong magpapabalik sa kanya. Yung mag paparealize sa kanya na mahal ka pala nya. Yung hindi ka pala nya kayang iwan. Yung sabi nyang ayaw ka nyang nakikitang malungkot at nasasaktan pero ito ngayon sinasaktan ka nya. Gusto mong lumuhod para sabihin sa kanya na wag ka nyang iwan. Na sana salbahin nyo yung relasyong pinaghirapan nyong buoin, matagal nyong pinangarap. Ang dami mo pang pwedeng gawin para ayusin kung bibigyan ka lang nya ng chance. Pero hindi. Kahit anong gawin mong pagmamakaawa, hindi ka nya babalikan. Natural lang siguro na gawin lahat ng mga bagay na pakiramdam mo magpapabalik sa kanya. Ang masakit pa, kahit ayaw na nya, hindi mo pa rin mapigilan mahalin sya.

Posted

in

by

Tags:

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.