KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

‘Virtual classroom’ pinasinayaan sa Cauayan City

March 14, 2021 Uncategorized
Pinangunahan ni Cauayan City Mayor Bernard Faustino Dy at DepEd Cauayan City Schools Superintendent Dr. Alfredo fumaru Jr ang pagpapasinaya ng ‘virtual classroom’ na siyang gagamitin sa mga mag-aaral sa lungsod. (Photo from Proud Cauayeño)

LUNGSOD NG ILAGAN, Isabela, Hunyo 13 (PIA) – Isang ‘virtual classroom’ na siyang gagamitin sa pagtuturo ang pinasinayaan sa Lungsod ng Cauayan kamakailan.

Ang pagpapasinaya ay pinangunahan nina Cauayan City Mayor Bernard Faustino Dy at Schools Division Superintendent Dr. Alfredo Gumaru Jr. na ginanap sa Cauayan South Central School.

Ang nasabing virtual classroom ay tinaguriang ‘PROJECT BERNARD’ (Bringing Evaluation Using Radio, Non-Print and automated Resources to the Diverse Learners).

Nagpasalamat si Gumaru sa Pamahalaang Panlungsod ng Cauayan dahil aniya malaki ang maitutulong nito upang maipatupad ang ‘new normal’ na istratehiya sa pagtuturo bilang tugon sa banta ng COVID-19.

Aniya ang ‘new normal’ na pagtuturo gaya ng blended teaching-learning gamit ang internet, modules, radyo at telebisyon ay mabisang istratehiya upang maipagpatuloy ang edukasyon ng mga mag-aaral.

Aniya sa kasalukuyan ay inihahanda na ang mga kinakailangan at mga guro upang maipatupad ang pagtuturo gamit ang blended learning approach.

Ang pagpapasinaya sa PROJECT BERNARD ng SDO Cauayan City ay kauna-unahan sa rehiyon at umaasa ang mga opisyal ng DepEd at lokal na pamahalaan na magiging epektibo ang pagpapatupad into para sa ikabubuti ng mga mag-aaral na Cauayeño. (MDCT/MGE/PIA 2-Isabela)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1044478

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: