KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Unang batch ng ‘Hatid Tulong’ kabalikat ang PNR, nakapagpauwi ng 150 LSIs sa Bicol

March 14, 2021 Uncategorized
Makikita sa larawang kuha ng Philippine News Agency ang bahagi ng unang batch ng mga benepisyaryo ng Hatid Tulong program patungong Bicol Region.

LUNGSOD CALOOCAN, Hunyo 20 (PIA) — Umabot sa 150 locally-stranded individuals (LSIs) dito sa Metro Manila ang napauwi sa Bicol Region kaninang madaling araw sa pamamagitan ng “Hatid Tulong” program ng administrasyong Duterte katuwang ang Philippine National Railways.

Tinipon ang mga stranded sa Tutuban Station ng PNR sa Maynila at sama-samang inilulan sa mga bagon ng tren alinsunod sa strict physical distancing at health protocols na pinaiiral ng mga otoridad kontra-COVID-19.

Ayon kay Presidential Management Staff (PMS) Assistant Secretary at Hatid Tulong Program head Joseph Encabo, “dalawang biyahe bawat linggo” ang inilaan ng PNR para sa mga na-stranded sa Metro Manila papuntang Bicol.

“Masaya po naming ibinabalita sa inyo na meron po tayong suportang nakuha sa Philippine National Railways kung saan nakipag-agreement kami, sa pamamagitan ng kanilang opisina o himpilan at PMS, na sila po ay magbibigay ng dalawang biyahe bawat linggo, para sa mga stranded na individuals patungong Bicol,” ani Encabo.

“So magandang development po ‘yan… dahil dahan-dahan po nating mababawasan ang ating mga stranded individuals patungong Bicol,” dagdag pa niya.

Naunang ibinalita ni Encabo na nasa 53,000 na ang napapauwing LSIs ng Hatid Tulong, kung saan inuuna nila ang mga na-stranded na turista, estudyante, manggagawa at mga nagbabalik na overseas Filipino worker para makapiling na ang kanilang mga pamilya sa kabila nang umiiral na community quarantine at limitadong biyahe ng mga pampublikong sasakyan.

Samantala, nasa 13,000 pa naman umano ang stranded sa Luzon na kanila pang tutulungan at bahagi sa bilang na ito ang 150 na pinauwi na sa Bicol.

Bukod sa transportasyon, binibigyan din ang mga na-stranded ng pagkain, tulong pinansyal, psychological intervention, at iba pang ayuda para makatawid sa nararanasang health crisis ng bansa.

“Sa ngayon, masaya po akong i-report sa inyo na ang Hatid Tulong ay umabot na po sa mga 53,000-plus na stranded individuals na natulungan na po natin. Ongoing po ang ating assistance sa kanila at patuloy po kaming nakikipag-ugnayan din sa mga kasamahan po natin sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno,” ayon kay Encabo.

“Sa ngayon po, base sa listahan ng PMS, meron po tayong mahigit na 13,000 na LSIs. Ito po ay nandito po sa Luzon at sila ay gustong umuwi sa kanilang probinsya sa Visayas at Mindanao,” sinabi pa niya. (PIA NCR)  

 

source https://pia.gov.ph/news/articles/1045342

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: