KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Umuuwing LSIs sa Cagayan isinasailalim sa rapid test

March 14, 2021 Uncategorized
Kuha ni Francis Jorque ng CPIO.

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Hunyo 17 (PIA) – – Upang malaman kung may dalang Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) ang mga nagsisiuwing mga locally stranded individuals (LSIs) ay isinasailalim ang mga ito sa rapid test.

Ayon kay Michael Pinto, tagapamuno sa Technical Working Group para sa ‘Balik Cagayan’ program, kahit may dokumentong ipinapakita ang mga ito na negatibo na sila sa kanilang swab test ay kailangan pa rin silang isailalim sa rapid test para na rin sa kasiguruhan ng lahat.

Sa ngayon, ayon kay Pinto, may 265 mula sa iba’t-ibang lugar ang natulungan ng nasabing programa at ngayo’y kapiling na ang kanilang mga kapamilya.

Aniya mayroon pang mahigit 900 mga indibidwal ang susunduin sa Maynila.

“Kasalukuyan na nating inaayos ang kanilang travel authority mula sa Philippine National Police. Kapag maayos na ang mga ito ay muling susunduin ang iba pang mga LSIs natin,” pahayag ni Pinto.

Aniya may tatlong bus na kinuha para magsundo sa mga ito kung saan mahigpit ding ipinatutupad ang mga protocol para masigurong walang hawaan ng virus habang nasa biyahe tulad ng limitadong bilang ng pasahero, physical distancing, pagsusuot ng face mask at iba pa.

“Sa kabutihang palad wala pang nagpositibo sa mga tinest natin pero kailangan pa rin natin nang ibayong pag-iingat upang makasigurong walang kakalat na virus sa lalawigan,” dagdag pa ni Pinto.

Inihayag din nito na patuloy pa rin ang pagtanggap nila ng mga online application para sa mga gustong umuwi sa kanilang mga probinsiya.

Aniya hindi na rin isinama sa kanilang listahan ang mga taga lungsod ng Tuguegarao dahil meron silang sariling “Balik Probinsiya” program. (MDCT/OTB/PIA-Cagayan)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1044989

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: