KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Ugaliin ang pagsuot ng face mask, paalala ng Pasig LGU

March 14, 2021 Uncategorized
Photo courtesy of Pasig PIO FB

LUNGSOD PASIG, Hulyo 19 (PIA) — Patuloy ang pagbigay paalalala ng pamahalaang lungsod ng Pasig na ugaliin ang pagsusuot ng face mask sa panahon ng pandemya.

Ayon sa pamahalaang lungsod, ang pag-iingat na gawain ay kailangang patuloy at walang palyang isabuhay upang maiwasan ang pagkahawa at pagkalat ng sakit na COVID-19.

Paalala rin ng pamahalaang lungsod ang tamang pagsusuot ng face mask kung saan dapat natatakpan parehas ang ilong at bibig at siguraduhin ding malinis ang mga kamay bago ito hawakan.

Tamang pagsuot ng face mask

1. Sa paggamit naman ng facemask siguraduhin na malinis ang kamay bago ito hawakan.

2. Ikurba ang matigas na bahagi ng facemask sa balingusan ng ilong at siguraduhin na sakop ng mask ang baba nang sa ganon ay walang makapasok na mikrobyo.

3. Kung napapansing nagmomoist o nagbabasa basa na ang face mask ay agad na itong itapon hindi na umano ito epektibo dahil hindi na nakakasala ng dumi. 

4. Hawakan lamang ito sa tali na nakasabit sa iyong tenga. Itapon ang mask pagkatapos gamitin at siguraduhing maghugas ng kamay pagkatapos. 

Bukod sa paggamit ng face mask at paghuhugas ng kamay, pinakamainam pa rin ang social distancing para pangalagaan ang sarili gayon na rin ang iyong kapwa. (PIA-NCR)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1047979

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: