KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Tara, mag-‘virtual tour’ muna.

March 14, 2021 Uncategorized

Marahil marami sa atin ang inip na inip na para mamasyal. Pero teka, bawal muna. Mahirap na, hindi natin nakikita ang kalaban – ang kalaban na corona virus disease o mas kilalang COVID-19.  

Photos courtesy of NPDC

Salamat sa teknolohiya at naiibsan ang ating pagka-inip. Kaya habang ang halos lahat sa atin ay “Stay at Home,” sulyapan muli ang ilan sa mga natatanging lugar sa Rizal Park o mas kilala bilang Luneta kasabay na rin ng pagdiriwang ng National Heritage Month. 

Sa pusod ng makasaysayang Lungsod ng Maynila makikita ang Luneta o kilala rin bilang Rizal Park dahil dito nakatayo ang bantayog ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal na dinisenyo ng batikang Swiss artist na si Richard Kissling.

Makikita rin sa Luneta Park ang Lights and Sound Complex ang lugar kung saan matatagpuan ang pagpapakabayani ni Dr. Jose P. Rizal.

 Ayon sa National Parks Development Committee (NPDC) sa naturang lugar na ito pinatay si Dr. Rizal. Sa mga panahong iyon ng ating mga ninuno, ang Luneta ay tinatawag na Bagumbayan.

Malapit sa lugar na ito tampok ang kaakit-akit na Rizal Park Central Lagoon Musical Dancing Fountain na kinagiliwan ng madla.

Malapit sa bahagi ng parke, sa may United Nations Avenue, ang pinalaking relief map ng Pilipinas na nakalutang sa tubig.

Ang makasaysayang Quirino Grandstand ay naging saksi na ng mayabong na historya ng bansa. Dito nanumpa sa katungkulan ang ilang Pangulo ng Republika at karaniwang pagdausan ng mga malakihang event gaya ng mga konsyerto at fun run.  

Masisilayan din sa Luneta Park ang tinaguriang Japanese Garden kung saan makikita ang isang lagoon at bridge. Ang na turang garden ay itinayo bilang tanda ng pagkakaibigan ng bansang Pilipinas at Japan. Sa isang banda ng Luneta Park ay mabibisita din ang Orchidarium.

Kilala rin ang Luneta na dinarayo ng maraming bata na naglaro sa mga “interactive” na atraksiyon nito, gaya ng children’s playground.

Ilan lamang yan sa mga lugar sa Luneta Park na siguradong miss na miss nyo nang pasyalan. Pero sa ngayon, Bahay Muna. Buhay Muna.

Kaya’t tara na! Hinikayat ko kayong mamasya gamit ang inyong browser, o kaya naman ay bisitahin at i-like at din ang official Facebook page ng National Parks Development Authority: www.facebook.com/NPDC.PH/ upang masaksihan ang  pinagandang Rizal Park.

Hindi na umano kailangan pang magtungo sa mamahaling Theme Park dahil libre lamang na mapapanood ang nasabing atraksiyon kasabay ng iba’t-ibang cultural shows. (PIA-NCR)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1042742

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: