KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

‘TAPAT’ loan program, inilunsad ng Pasig City

March 14, 2021 Uncategorized

LUNGSOD PASIG, Hulyo 12 (PIA) — Pormal na inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang TAPAT o ang “Tulong At Pampuhunang Ayuda para sa Taga-Pasig” program.

Ayon sa pamahalaang lungsod, ang TAPAT ay may tatlong uri ng loan program para sa mga micro, small, medium enterprises (MSMEs).

Ang ‘Balik Negosyo’ kung saan maaaring makahiram hanggang P10,000. Ang naturang loan ay para sa mga MSMEs na nagnanais gawing compliant ang kanilang negosyo sa mga health measures laban sa COVID-19 para sa kabutihan ng mga empleyado at kliyente nito.

Ang ‘Bagong Negosyo’ kung saan maaari ring makahiram hanggang P10,000. Ayon sa pamahalaang lungsod, ang naturang loan ay para naman sa mga nawalan ng trabaho na nais magkaroon ng sariling kabuhayan.

Mayroon din ‘Balik Trabaho’ loan program kung saan maaaring makahiram hanggang P5,000 ang mga nawalan ng trabaho na nagnanais mag-apply ng bagong trabaho at nangangailangan ng financial resources.

Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, ‘first-come, first-served’ ang processing ng mga aplikasyon. Aniya, ang naturang programa ay may pondong P200 million, kung saan aabot sa 20,000 hanggang 40,000 katao ang magiging benepisyaryo ng naturang programa.

Para makapag-apply online, pumunta sa website pasig.accessleap.com. Maaari ding bisitahin ang TAPAT Admin Desk na matatagpuan sa Career Center, GAD Complex ng Pasig City Hall. Ang tanggapan ay bukas mula 9:00am hanggang 4:00pm, Lunes hanggang Biyernes.

Pero hanggat kaya, sa online na tayo mag-apply, para mas ligtas tayo sa virus,” wika ni Mayor Sotto. (PIA-NCR)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1047352

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: