KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Taguig LGU, namahagi ng P4,000 crisis assistance sa mga mangingisda, magsasaka

March 14, 2021 Uncategorized
Nakatanggap ng crisis assistance ang mga kabilang sa sektor ng agrikultura. (Larawan mula sa Taguig PIO)

LUNGSOD PARANAQUE, Mayo 22 (PIA) — Namahagi ang pamahalaang ng lungsod ng Taguig ng Php 4,000 tulong pinansyal sa mga magsasaka, mangingisda, at mga nagtitinda bilang crisis assistance na nawalan ng hanapbuhay bunsod ng ipinatutupad na community quarantine dahil sa COVID-19 pandemic.

May 956 mangingisda at magsasaka at 1,063 na nagtitinda ang nakatanggap ng tulong mula sa lokal na pamahalaan noong Miyerkules, Mayo 20, 2020 na ginanap sa Mercado Del Lago sa Brgy, Lower Bicutan, Taguig City.

Maliban sa crisis assistance sa mga kabilang na ipinamahagi sa sektor ng agrikultura, nagbibigay din ng kahalintulad na tulong ang pamahalaang lokal sa mga residente ng lungsod na hindi nabigyan ng ayuda galing sa Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare & Development (DSWD). 

Upang matiyak na walng kumpulang mangayayari at maipatutupad ang social distancing sa pagbibigay ng ayuda, ang mga kawani ng pamahalaan na mismo ang nagbabahay bahay upang maipamahagi ng crisis assistance sa mga sa mga tahanan ng mga PWDs at senior citizens. (Taguig PIO/PIA-NCR)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1042547

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: