KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Tagalog News: TESDA nagdaos ng ika-26 na anibersaryo; Idol Self-employed, kinilala 

March 14, 2021 Uncategorized

LUNGSOD NG BATANGAS, Set 1(PIA) -Ipinagdiwang ng Technical Education Skills Development Authority (TESDA) Batangas ang ika-26 taong anibersaryo ng kanilang ahensya noong ika-25 ng Agosto,2020.
 
May temang “Bringing Hope in Times of Crisis” ang pagdiriwang ay tinampukan ng regional-virtual awarding ceremony para sa TESDA Institutional Awards na may dalawang kategorya, ang Search for Idols ng TESDA at 2020 Kabalikat Awards.
 
Pinangunahan nina TESDA Region IV-A Regional Director Elmer Talavera at Batangas Provincial Director Rhosalie Amazona ang paggagawad ng parangal.
 
Isa sa kinilala bilang regional winner sa TESDA Idol Self-employed category si Lipa City Councilor Jennifer Spye Toledo na nagtapos ng mga kurso sa TESDA kabilang ang Events Management-NC3, Cookery at Tile Setting.
 
Naitayo ni Toledo ang NITEX Inc. Training Center na kanyang personal ding pinamahalaan at maituturing na matagumpay na negosyo bukod pa sa marami itong natutulungan.
 
Isa sa ginamit na batayan sa pagpili ng nagwagi sa naturang kumpetisyon ang mga nabanggit na kategorya. (BHABY P. DE CASTRO-PIA Batangas with report from PIO Batangas City)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1051871

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: