KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Tagalog News: ‘Tawag konsulta’ inilusad sa Surigao del Norte

March 14, 2021 Uncategorized

LUNGSOD NG SURIGAO, Surigao del Norte, Mayo 1 (PIA) — “Stay at home!” – ito ang mahigpit na paalala ng pamahalaan. Kaya naman sa gitna ng striktong pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa buong rehiyon ng Caraga gawa ng COVID-19 pandemic ay sinusiguro ng lokal na pamahalaan ng Surigao del Norte province na matugunan ang konsultasyong medikal na pangangailangan ng mga residente.

Sa pakikipagtulungan ng Surigao del Norte Medical Society, inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Surigao del Norte ang programang “Tawag Konsulta” kung saan maaring komunsulta ang mga may karamdaman at nais ng payong medikal na hindi na kinakailangang pumunta sa ospital o klinika ng doktor.

Gamit lamang ang telepono o mobile phone ay maaring i-dial ang mga hotline numbers at agad naman itong sasagutin ng nakatalagang “HEALS 911” agent na siyang mag-aassist at refer sa naayong doktor na magbibigay ng payong medikal at reseta.

I-tetext ng doktor ang online prescription na aprubado ng food and drug administration sa nurse coordinator na siya namang magbibigay sa pharmacist para sa pag-dispense ng gamot at agad naman itong idedeliver sa lokasyon mismo ng pasyente.

Ang serbisyong Tawag Konsulta ay bukas 24/7. Ito ay libre at charged to medical assistance program at social services fund ng probinsya.

Ayon kay Dr. Chrismar Mocorro, officer-in-charge ng Surigao del Norte Provincial Hospital, malaking tulong ang nasabing programa lalung-lalo na sa mga senior citizen, buntis at mga kabilang sa vulnerable persons na binabawalang lumabas ng bahay.

“Buo ang aming suporta sa programang ito. Bago paman nag ECQ ay alam na namin ang kakaharaping hamon ng mga residente lalung-lalo na ng mga senior citizen. Mahihirapan silang pumunta sa kilinika o ospital para magpacheck-up dahil nga ay limitado ang sasakyang pampubliko at takot na lumabas baka mahawaan ng virus. Sa tulong ng Tawag Konsulta ay naging madali ang pagtugon sa medikal concern ng mga kliyente,” sabi ni Dr. Mocorro.

Sa ngayon ay umabot na mahigit 280 na pasyente ang napagserbisyohan at mahigit tatlumpung pasyente na ang nabigyan ng libreng gamot.

Ayon kay Dr. Mocorro, kadalasan sa problema o kaso ng karamdaman na kanilang natanggap ay may kinalaman sa respiratory condition, pag-ubo, hyperacidity, hypertension at kabilang din ang prostate enlargement at electrolyte imbalances.

Samantala, laking tuwa at pasasalamat naman ang ipinaabot ni Charlie Camelion, 44 taong gulang at residente ng Barangay Cagniog sa Surigao City dahil sa libreng konsulta at gamot

Nakipagbayanihan naman ang lokal na pamahalaan ng Del carmen sa Siargao Island kung saan nag-aalok ng libreng gamit ng telepono ang Del Carmen Polyclinic para sa kanilang Telemed o Tawag Konsulta program.

Hinikayat din ng LGU-Mainit naman, sa pamamagitan ng Municipal Health Office, ang mga residente na tumawag sa kanilang hotline number na naipost sa kanilang Facebook page na LGU-Mainit 2020 kung saan makikita ang iskedyul at karagdagang impormasyon. (VLG/SDR/PIA-Surigao del Norte)

 

#TawagKonsulta #BeatCOVID19 #LagingHanda

 

source https://pia.gov.ph/news/articles/1040590

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: