KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Tagalog News: Tatlong MPAs sa Lobo, Batangas isinailalim sa ‘habitat assessment’

March 14, 2021 Uncategorized

LUNGSOD NG CALAMBA, Hunyo 25 (PIA) –Nagsagawa ng Habitat Assessment ang mga divers ng Fisheries Resource Management Section (FRMS) na nasasakupan ng Fisheries Management, Regulatory and Enforcement Division (FMRED) kasama ang Regional Fisheries Information Unit ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) CALABARZON sa Lobo, Batangas Hunyo 17-20, 2020. 

Ang tatlong Marine Protected Areas (MPAs) na sumailalim sa assessment ay ang Malabrigo reef, Sulok Artificial reef, at Sawang Olo-olo reef.

Bukod dito, nagkaroon din ng exit conference ang grupo kasama si Lobo Mayor Gaudioso R. Manalo para mas maisaayos at mapangalagaan ang nasabing MPAs.

Ang nasabing habitat assessment ay kasama sa management plan ng pamahalaang bayan ng Lobo, Batangas na ginagawa taun-taon upang masiguro at mapanatili ang malinis at masaganang karagatan.

Samantala, nakuha ng Lobo, Batangas ang 2nd runner-up sa national level para sa taunang parangal ng BFAR para sa taong 2019 Malinis at Masaganang Karagatan (MMK) search.

Maaalalang ang naturang bayan ay nakuha ang unang pwesto sa naganap na MMK: Regional Search for the Most Outstanding Coastal Community sa taong 2018.

Ang MMK: Regional Search for the Most Outstanding Coastal Community ay isa sa mga pangunahing programa ng BFAR na sinimulan noong 2016. Ito ay naglalayong mabigyan ng karangalan ang mga munisipyo sa bansa na may natatanging inisyatibo sa pangangalaga at responsableng pagpapa-unlad ng kanilang karagatan. (PIA-4A/BFAR-4A)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1045769

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: