KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Tagalog News: Sangguniang Kabataang ng Quezon, handa para sa ‘new normal’

March 14, 2021 Uncategorized
Ibinahagi ni SK Chairperson Rolden Garcia ng Barangay Ibabang Dupay, Lucena City sa publiko ang kanilang mga inisyatibo at aktibidad na isinagawa at nakatakda pang isagawa sa nasasakupan upang makatulong sa pagbibigay ng pag-asa sa mga residente ng lugar sa kanilang edukasyon sa panayam ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar kay Garcia noong ika-2 ng Hunyo sa programang Network Briefing News. (Photo & caption: CAO, PIA-4A)

LUNGSOD NG CALAMBA, Laguna, Hulyo 9 (PIA) – Unti-unting pinaghahandaan ng Sangguniang Kabataan (SK) mula sa probinsya ng Quezon ang mga hakbang na makakatulong upang maipagpatuloy ang edukasyon ng mga estudyante at matuklas ang kanilang taglay na galing sa iba’t-ibang larangan sa kabila ng umiiral na sistemang new normal dulot ng pandemya. 

Nakapanayam ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar noong ika-2 ng Hunyo si Rolden Garcia, SK Chairperson ng Barangay Ibabang Dupay, Lucena City sa programang Network Briefing News.

Ibinahagi ni SK chair Garcia sa publiko ang kanilang mga inisyatibo at aktibidad na isinagawa at nakatakda pang isagawa sa nasasakupan upang makatulong sa pagbibigay ng pag-asa sa mga residente ng lugar sa kanilang edukasyon.

Aniya sa pagtaas ng bilang ng positibo sa virus ay siya rin ang pagbaba ng lebel ng edukasyon na dapat tinatamasa ng bawat mag-aaral dahil sa COVID-19 kaya inilunsad ang Sangguniang Kabataan ng Ibabang Dupay ng “Saliksik Kaalaman Program” upang makapagbigay ng pag-asa at pagkatuto sa kapwa kabataan.

Nagkaroon dito ng paligsahan o contest kahit nasa bahay lamang sa pamamagitan ng pagsulat ng tula, paggawa ng slogan, essay at pagalingan sa pagguhit.

“Napakahalaga na yung edukasyon ang top priority ng bawat konseho dahil ito yung programa na sadyang madadala ng mga kabataan hindi lamang ngayon, hindi lamang bukas bagkus kahit matapos po yung ating termino bilang SK official ay maalala nila,” ani SK Chairperson Garcia.

Masaya rin na ibinalita ni SK Garcia na sa kabila ng krisis ay nakapagdagdag sila ng mga bagong scholarship grants sa mga kapwa kabataan upang makatulong na mabawasan ang kanilang isipin at pagdadalwang isip na ipagpatuloy ang kanilang edukasyon dahil sa kinakaharap na pandemya.

Sa kasalukuyan ay aktibong nakikiisa sa apat na pampublikong paaralan na sakop ng kanilang barangay ang Sangguiang Kabataan sa tinaguriang new normal na brigada eskwela bilang paghahanda sa makabagong sistema ng edukasyon dahil sa epekto ng COVID-19.

“Ang aking pong mensahe ay unang una po kailangan po natin sumunod sa mga protocols dahil ito po ay para sa atin. Sabi nga po natin lagi nga po natin ikinakampanya sa atin pong mga kababayan na ang kaligtasan natin sa ating sarili ay kaligtasan ng ating pamilya at kaligtasan po ng ating pamayanan. Makiisa po tayo sa mga ipinapatupad na programa, proyekto at aktibidades ng ating gobyerno dahil ito naman po ay para sa atin din. Ito po ay para sa ikakaligtas natin at higit sa lahat ay para po sa ating pamilya at sa ating komunidad,” mensahe ni SK Chairperson sa mga taga-pakinig ng programa. (CAO/PIA4A)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1047087

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: