KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Tagalog News: Sa patuloy na laban kontra COVID-19, E.O. 64 ipinatutupad sa Magsaysay

March 14, 2021 Uncategorized
Naglabas ng direktiba ang DPWH na kailangang sumailalim sa COVID-19 testing ang lahat ng kanilang mga kawani at trabahador. (LGU Magsaysay)

SAN JOSE, Occidental Mindoro, Hun. 8 (PIA) — Upang mas matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan ng bayan ng Magsaysay sa banta ng Coronavirus Disease (COVID-19), ay ipinalabas ni Mayor Cesar Tria ang Executive Order No. 64.

Pangunahing itinatakda ng kautusan ang total lockdown o pagsasara ng Bayaoa Compound sa Brgy. Poblacion, kung saan naka-kwarantina ngayon ang 26 na manggagawa sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nagpositibo sa COVID-19.

Magugunitang naglabas ng direktiba ang DPWH na kailangang sumailalim sa COVID-19 testing ang lahat ng kanilang mga kawani at trabahador. “At sa pagsusuring ginawa ng Philippine Red Cross sa 75 trabahador na kinuha para sa mga DPWH projects sa lalawigan, nagpositibo ang 26 sa kanila,” saad ni Mayor Tria. 

Inamin ng opisyal na lubha siyang nabahala dahil nang ibaba ang atas na testing ng DPWH, nakabalik na sa kani-kanilang project sites ang mga trabahador matapos mailagay na sa General Community Quarantine (GCQ) ang Occ Mindoro. “Kaya kinailangan ang mabilisang contact tracing at pagbibilin sa mga nakasalamuha nila na sumailalim sa 14-day quarantine,” paglalahad ni Tria. Aniya, sa 26 na nasuring positibo, 12 ay mula Bulalacao (Oriental Mindoro), walo ang taga- Magsaysay, lima ang galing San Jose at isa sa Rizal. “Bagama’t positive, asymptomatic silang lahat at mula nang kunan ng specimen ay diretso na sa quarantine” ani Tria, gayundin ang iba pang mga manggagawang nakasalamuha ng mga ito. 

Dagdag pa ng opisyal, tiniyak din ng pamahalaang lokal (LGU) na nabibigyan ng mga pangunahing pangangailangan ang mga ito habang nasa quarantine. Magkatulong naman ang pulisya at barangay sa pagbabantay sa compound upang walang makalabas o kaya’y may bumisitang mga kaanak ang nasabing mga trabahador.   

Samantala, mahalaga ring nakapaloob sa EO 64 ang mahigpit na pagtalima sa mga health protocol upang makaiwas sa COVID-19 tulad ng pagsusuot ng face mask, physical distancing, pagbabawal sa kalakalan ng alak, at curfew mula 8 n.g. hanggang 5 n.u. Paalala ni Mayor Tria sa mga mamamayan ng Magsaysay, “bawal pa ring lumabas ng tahanan ang mga 20 taong gulang-pababa, at yung mga 60-pataas o senior citizens.”

Ayon pa rin sa Punong-bayan, bunsod ng mga pangyayari ay nagdesisyon ang Regional Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID), na mula GCQ ay isailalim ang Magsaysay sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) hanggang  sa ika-15 ng Hunyo. Inaasahang pagsapit ng nabanggit na petsa, mas tiyak na ang kundisyon ng 26 na pasyenteng nasa Bayaoa Compound, at nakumpleto na ang contact tracing.

Sa pinakahuling update na ipinalabas ng Provincial Health Office, negatibo ang resulta ng COVID-19 test ng 85 kataong malapit na nakasalamuha ng mga manggagawang nagpositibo sa nakamamatay na virus. (VND/PIA MIMAROPA)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1044100

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: