KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Tagalog News: Quarantine facility, pinasinayaan sa Quezon PPO

March 14, 2021 Uncategorized
Matapos pangunahan ang pasinaya ng bagong quarantine facility sa likod na bahagi ng Quezon Police Provincial Office (QPPO), Camp Nakar, Lucena City, tiningnan ni Quezon Gob. Danilo Suarez ang mga kuwarto at kagamitan sa nasabing quarantine facility kasama ang mga tauhan ng QPPO. (Larawan mula sa Quezon Public Information Office FB Page)

LUNGSOD NG LUCENA. Quezon- June 24 (PIA)-Pinasinayaan kahapon, Hunyo 23 ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon ang bagong quarantine facility sa likod na bahagi ng Quezon Police Provincial Office, Camp Nakar sa lungsod na ito. 

Ayon kay Quezon PNP Provincial Director Audie Madrideo, nagpapasalamat siya sa pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa pangunguna ni Gobernador Danilo Suarez sa pagtatayo ng nasabing pasilidad sapagkat ito ay malaki ang maitutulong sa paglaban sa COVID-19 pandemic sa lalawigan ng Quezon. 

“Nagpapasalamat din ako sa pamahalaang panlalawigan sa suportang ipinagkakaloob sa hanay ng kapulisan sa lalawigan ng Quezon kung saan isa sila sa humaharap upang labanan ang banta ng COVID-19 sa bansa”, sabi ni PNP Regional Director PBGen. Vicente Danao, Jr. 

Ang pagtatayo ng quarantine facility ay pinondohan ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon. 

Samantala, ayon kay  Gob. Suarez, ang pamahalaang panlalawigan ay tumulong din at patuloy na tumutulong  sa pamamahagi ng mga relief goods sa mga lokal na pamahalaan sa kabila ng nararanasang krisis dulot ng banta ng COVID-19 sa lalawigan ng Quezon. 

“Ang pamahalaang panlalawigan ay tumulong din po sa mga checkpoints at sa mga health facilities kagaya ng  pagkakaloob ng medical equipment, tumulong din po tayo sa lokal na pamahalaan ng Lucena City upang maipatayo ang kauna-unahang testing facility sa lalawigan ng Quezon, sabi pa ng gobernador.

Kasabay nito ang paala-ala pa din ng gobernador ng ibayong panalangin upang malampasan ang COVID-19 pandemic na nararanasan at magkaroon na ng vaccine na maaaring magamit upang matuldukan na ang pandemya. (Ruel Orinday-PIA-Quezon/ may ulat mula sa Quezon PIO) 

source https://pia.gov.ph/news/articles/1045677

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: