KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Tagalog News: Programa ng OWWA para sa kapakanan ng mga OFW, ibinahagi

March 14, 2021 Uncategorized

LUNGSOD NG CALAMBA, Laguna, Hulyo 13 (PIA)– Ibinahagi ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Region IV-A ang ilan sa mga programang nakalaan para sa kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) na kabilang sa mga lubhang naapektuhan ng pandemyang dulot ng COVID-19.

Sa programang Usapang PIA, inilahad ni OWWO II, Officer in charge – Programs and Services Division of OWWA 4A na si Ms. Sheryl Briton-Caya ang mga impormasyon na napapanahon at kadalasang itinatanong ng publiko tungkol sa ahensya kaugnay ng pagbibigay ng iba’t-ibang serbisyo para sa kapakanan ng mga OFW beneficiaries.

Ilan sa mga mahahalagang ipinagbigay alam ni Ms. Sheryl Briton-Caya mula sa OWWA ang mga hakbang na dapat gawin ng isang OFW kung sakaling nais nitong makauwi na ng bansa gayundin ang makuha o ma-avail ang ilan sa mga benepisyo na nakalaan para sa kanila.

Aniya, kung nais bumalik ng bansa kailangan nilang makapagrehistro online at kapag nakapagrehistro na ang isang indibidwal ay magkakaroon siya ng QR Code na kailangan maipakita sa verification counter na itinalaga sa airport pagdating sa Pilipinas at sa verification counter ay bibigyan sila ng anim na stickers.

“Dun sa verification counter bibigyan sila ng stickers na anim na piraso at yung isa ilalagay nila automatic sa passport tapos proceed na sila sa swab booth. Sa swab booth kukuhanan ng sample and then the rest of the five stickers ibibigay nila sa officer na nagtake ng swab, after ng swab proceed sa counters na magbibigay ng kanilang quarantine facility assignment,” pahayag ni Ms. Sheryl Briton-Caya.

Paglilinaw pa ni Ms. Caya, kung ang isang indibidwal ay landbased OFW kailangan niya magtungo sa OWWA desk at para naman sa mga seafarers ay mayroong itinalagang special desk at kung hindi naman isang OFW, alinman sa turista o student visa ay maaaring magtungo sa Department of Tourism desk at pagkatapos ay ihahatid na sila sa mga hotel o quarantine facilities na pagdadalhan sa kanila.

Kaugnay nito, bilang welfare agency libreng nagkakaloob ang OWWA ng welfare assistance katulad ng Repatriation Assistance Program na layuning matulungan ang mga OFW sa kanilang pagbabalik sa bansa kung magkakaroon man ng hindi inaasahang problema sa abroad.

Kalakip nito ang pagbibigay ng tulong mula sa airport assistance gayundin ang temporary shelter sa OWWA Halfway Home, psycho-social counseling, stress debriefing at transport services upang makauwi sa kani-kanilang probinsya.

Mayroon rin ipinagkakaloob na tulong pagdating sa social benefits katulad ng disability and dismemberment benefit, death and burial benefits at supplemental medical assistance.

Sa kabilang banda, mula sa datos na ibinigay ng partner department ng OWWA na Department of Foreign Affairs (DFA), nakapagpauwi na ang ahensya ng mahigit 66,000 na OFWs at marami pang inaasahang uuwi sa bansa kabilang ang 167,000 na OFWs na stranded sa iba’t-ibang bansa. (CA/PIA4A)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1047402

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: