KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Tagalog News: PMO-Surigao namigay ng relief packs sa port workers na senior citizen

March 14, 2021 Uncategorized

LUNGSOD NG SURIGAO, Surigao del Norte, Hunyo 8 (PIA) — Sa gitna ng pagsubok dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), isa sa mga pinakaapektado ay mga manggagawang senior citizen sa rehiyon ng Caraga.

Kaya naman gumawa ng inisyatibo ang Philippine Ports Authority – Port Management Office (PPA-PMO) sa Surigao upang matulungan at matugunan ang pangangailangan ng kanilang manggagawang senior citizens.

Sa diwa ng bayanihan, nag ambag-ambag ang bawat empleyado ng PPA-PMO Surigao para sa kanilang proyekto na “Adopt and Save a Family” upang makapamahagi ng relief goods.

Nasa edad 60 years old pataas na mga port worker ang nakatanggap sa nasabing relief goods na naglalaman ng bigas, assorted canned goods, gatas, kape, itlog at asukal.

Ayon kay Surigao Port Manager Froilan Caturla, patuloy silang susuporta at mamimigay ng tulong sa kanilang kasamahang manggagawa hanggang sa matapos ang kasalukuyang krisis na kinakaharap gawa ng COVID-19.

Agad namang ipinaabot ni Rogelio Polvorosa, vice president ng surigao porters association, ang lubos na pasasalamat sa tulong na kanilang natanggap. Malaking bagay anya ito para maitawid ang pangangailangan ng kanyang pamilya. 

Batid ang kaligayahan sa kanyang mukha dahil may mga taong nagmalasakit at handang tumulong sa oras ng kagipitan,

Samantala, nagmagandang loob din ang iba pang stakeholders para panatilihing ligtas ang buong pasilidad ng port terminal.

Ang Surigao Metropolitan Water District – PrimeWater Infrastructure Inc. ay naglagay ng handwashing station sa gate four ng main base port terminal building at sa Lipata port ferry terminal.

Namahagi naman ng face shields sa mga frontliners ng ppa terminal ang Surigao State College of Technology habang ang JCI Surigao Wensie, Inc. ay nagdonate rin ng sanitation tents sa entrance ng nasabing mga terminal. (SDR/VLG/PIA-Surigao del Norte)

 

 

 

 

 

 

source https://pia.gov.ph/news/articles/1044046

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: