KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Tagalog News: PIATF pinayagang makauwi ng Romblon ang mga stranded na OFW

March 14, 2021 Uncategorized
Napagkasunduan ng task force sa pangunguna nina Governor Jose RIano at Congressman Eleandro Madrona na ang lahat ng uuwi na OFW ay kailangang makipag-ugnayan sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para sa pagpro-proseso sa kanilang mga papeles at clearance para makauwi sa lalawigan. (PJF/PIA-Romblon)

ODIONGAN, Romblon, Mayo 14 (PIA) — Pinayagan na ng Provincial Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (PIATF-MEID) na makauwi ang mga stranded na Overseas Filipino Worker (OFW) na kasalukuyang nasa Luzon.

Napagkasunduan ng task force sa pangunguna nina Governor Jose RIano at Congressman Eleandro Madrona na ang lahat ng uuwi na OFW ay kailangang makipag-ugnayan sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para sa pagpro-proseso sa kanilang mga papeles at clearance para makauwi sa lalawigan.

Sa binubuong guidelines ng task force, nakasaad na dapat may hawak na dokumento ang isang OFW katulad ng certification na natapos niya ang 14-day quarantine, nagpapatunay na negatibo siya sa RT-PCR test, cleareance mula sa local government unit na uuwian niya, at sa gobernador ng lalawigan, at iba pa.

Pagdating nila ng Romblon, dadalhin sila sa isang isolation area at idadaan mula sa rapid testing para masigurong hindi siya nakapitan ng virus habang bumabiyahe pauwi ng probinsya.

Inaasahang ilalatag sa susunod na araw ng Pamahalaang Panlalawigan ang kumpletong guidelines at requirements para sa mga OFW na uuwi sa probinsya.

Samantala, hindi pa napagkakasunduan ng mga miyembro ng PIATF-MEID na pauwiin ang mga stranded na estudyante at ang mga nagbakasyon na naabutan ng lockdown sa Luzon. (PJF/PIA-Mimaropa)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1041800

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: