KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Tagalog News: PDEA mahigpit ang monitoring sa Calapan Port

March 14, 2021 Uncategorized
Dala ng dog handler ng PDEA ang kanyang K9 drug-sniffing dog upang ipaamoy ang mga bagahe sa loob ng isang RORO vessel mula Batangas Port para masiguro na walang maipupuslit na droga sa lalawigan. (Kuha ni Dennis Nebrejo/PIA-OrMin)

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Mayo 10 (PIA) — Mahigpit ang isinasagawang pag mo-monitor ng Seaport Interdiction Unit (SIU) ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office sa mga sasakyang dumarating sakay ng Roll On-Roll Off (RORO) cargo vessel galing Batangas Port upang masiguro na hindi makakapasok ang mga iligal na droga ngayong panahon ng General Community Quarantine (GCQ) sa Calapan Port Terminal, lungsod na ito.

Inatasan ni PDEA Regional Director Atty. Jacquelyn L. De Guzman ang SIU na mandohan ang pantalan ng Calapan City noong panahon ng Enhance Community Quarantine hanggang sa kasalukuyan upang mapanatiling ligtas ang lalawigan sa pagpasok ng mga ipinagbabawal na gamot.

Ayon kay Investigation Agent 1 (IA) Jhon Raymond Bulotanon, nakatalaga sa SIU – Calapan Port, “Bawat labas ng mga sasakyan sa barko ay aming binubusisi ang karga nito pati mga gamit ng pasahero sa pamamagitan ng pag amoy ng aming K9 drug-sniffing dog para malaman kung sila ba ay may dalang kontrabado na nais ilusot sa ating lalawigan.”

“Ang aming monitoring ay 24 oras na may koordinasyon sa Philippine Ports Authority (PPA) at Philippine Coast Guard Station Calapan upang mapahintulutan din kaming makapaginspeksiyon sa mga bagahe sa loob ng barko,” dagdag pa ni Bulotanon.

Samantala, maliban sa mga paparating na sasakyan, kanila din pinaguukulan ng pansin ang mga naghihintay sa cargo trucks at private vehicles na dumaan sa masusing inspeksiyon ng kanilang K9 Unit bago sumakay ng RORO. Posible din aniya mag karga ng iligal na droga ang mga ito mula sa bahagi ng Visayas na dumaan sa Roxas o Bulalacao Port Terminal upang sa Calapan pa lamang ay kanila ng masawata ang iligal na gawain.

Bukod dito, namamahagi din ang mga tauhan ng SIU ng comics sa mga pasahero na naglalalaman ng mga kwento kung ano mga ipinagbabawal na gamot at masamang idinudulot nito sa katawan. (DPCN/PIA-OrMin)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1041429

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: