KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Tagalog News: Pamimigay ng ayuda sa Agusan del Norte, patuloy

March 14, 2021 Uncategorized

LUNGSOD NG BUTUAN, Mayo 13 (PIA) — Patuloy ang pamimigay ng ayuda sa iba’t ibang local government units (LGUs) ng Agusan del Norte bilang suporta sa mga residente na apektado ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) crisis at hindi nakatanggap ng assistance maging sa social amelioration fund, TUPAD, at iba pang assistance mula sa gobyerno at hindi rin kabilang sa 4Ps beneficiaries.

May kanya-kanyang stratehiya sa pamimigay ang bawat LGU at magkaiba din ang iinibigay at dami nito depende sa kanilang makakaya.

Sa bayan ng RTR, ayon kay mayor Richard Daquipil, bawat kwalipikadong household ay makakatanggap ng tig-iisang sako ng bigas. Target din nilang maibigay ang mahigit isang libo at siyam na raang sako (1,926) upang makatulong sa kanilang pang araw-araw ng pagkain.

Dagdag pa ni mayor Daquipil, magbibigay din ang LGU ng tig-iisang manok bawat pamilya.

Sa bayan naman ng Buenavista, ang 2nd wave ng kanilang bigayan ay nagsimula noong Mayo 7 hanggang 12, bawat kwalipikadong pamilya ay makakatanggap depende sa dami ng myembro nito.

Ayon din kay Mayor Norbert Pagaspas ng bayan ng Buenavista, Agusan del Norte, kung ang myembro ng pamilya ay nasa tatlo at pataas, sila ay makakatanggap ng 20 kilo ng bigas; kung dalawa ang miyembro ay 15 kilo at sampung kilo para sa isa.

Lahat naman ng kwalipikadong pamilya o hosehold sa lungsod ng Cabadbaran, sa bayan Magallanes ay tatanggap din ng tig-iisang sakong bigas at kalahating sako naman sa ibang bayan.

Nagpasalamat di si Jay Sanchez ng Barangay Basilisa sa bayan ng RTR dahil napakalaking tulong talaga ang bigay ng bigas sa kanila.

Sa ngayon, ang buong probinsya ng Agusan del Norte ay nasa general community quarantine at patuloy pa ring COVID-19 free. (NCLM/PIA Agusan del Norte)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1041539

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: