KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Tagalog News: Pamilihang Bayan ng M’lang isinailalim sa dekontaminasyon

March 14, 2021 Uncategorized

M’LANG, Lalawigan ng Cotabato, Mayo 24 (PIA)– Temporaryong isinara ngayon araw ang mga establisyemento sa pampublikong pamilihan dito sa bayan upang bigyang-daan ang pagdidis-impekta sa lugar.

Sa inilabas na memorandum ng lokal na pamahalaan nitong Biyernes, nabatid na inirekomenda ng M’lang United Market Vendor’s Association, Inc. (MUMVAI) ang pagdidis-impekta bilang hakbang laban sa banta ng coronavirus virus disease 2019.

Ayon kay M’lang COVID-19 Municipal Inter-agency Task Force focal person Bernardo Tayong, buong araw na nakasara ngayon ang pamilihang bayan habang isinasagawa naman ng Bureau of Fire Protection ang decontamination activity.

Bago mag-alas otso ng umaga, nagsimula nang magdis-impekta ang dalawang teams ng BFP-M’lang.  Bawat grupo ay may tatlong miyembro na nagpapalitan sa pagdidis-impekta.

Nabatid na nitong Lunes, isang residente ng bayan ang nagpositibo sa COVID-19 at kasalukuyang naka-confine sa Cotabato Regional and Medical Center sa Cotabato City.

Ang pasyente na mula sa Davao City ay nakisakay sa ambulansya ng M’lang at hindi naka-rehistro sa Sagip Stranded North Cotabateños na programa ng pamahalaang panlalawigan.

Una nang humingi ng paumanhin si M’lang Mayor Russel Abonado sa nangyaring paglabag sa health at quarantine protocols at nagmando ng mas mahigpit na pagpapatupad ng General Community Quarantine guidelines. (PIA Cotabato City)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1042736

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: