KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Tagalog News: Pagtatanim ng kasuy, isinusulong sa Puerto Princesa

March 14, 2021 Uncategorized
Produktong gawa sa kasuy ng Micro, Small, Medium Enterprises (MSME) ng bayan ng Brooke’s Point, Palawan. (Larawan mula sa NC Brooke’s Point)

PUERTO PRINCESA, Palawan, Hul. 16 (PIA) — Hinihikayat ngayon ng Puerto Princesa City Agriculture Office (PPCAO) ang mga mamamayan na iangat at palawakin ang produksyon ng kasuy.

Bunsod nito, namamahagi ang PPCAO ng libreng buto ng kasuy na pananim para sa mga interesadong magtanim, depende sa lawak ng kanilang lupang pagtatamnan.

Nasa 100 seedlings ang ipinamimigay ng opisina para sa isang indibiduwal na mayroong isang ektaryang lupain.

Samantala, bilang kondisyon, kinakailangan lamang na tiyaking aalagaang mabuti ang tanim upang hindi masayang at makaambag sa minimithing malawak na produksiyon ng kasuy sa lungsod.

Pinapayuhan lamang ang mga nagnanais na makakuha ng libreng paninanim na pumunta lamang sa nursery area ng PPCAO sa bahagi ng Barangay Tiniguiban.

Ang produktong kasuy ay itinataguyod ng lalawigan ng Palawan at lungsod ng Puerto Princesa sa ilalim ng ‘One Town, One Product’ (OTOP).

Ang lalawigan naman ang siyang tinaguriang ‘Cashew Capital’ ng bansa. (LBD/PIAMIMAROPA)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1047713

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: