KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Tagalog News: P2-Milyon halaga ng marijuana, nasabat ng mga otoridad sa Caraga region

March 14, 2021 Uncategorized

LUNGSOD NG BUTUAN, Mayo 11 (PIA) – Habang abala ang mga otoridad sa pagpapanatili ng kaayusan at pagsigurong ligtas ang mamamayan sa anumang kapahamakan at sa krisis na kinakaharap natin ngayon sa coronavirus disease (COVID-19), hindi rin nito pinapalampas ang mga sumasamantala sa sitwasyon.

Matapos makatanggap ng impormasyon ukol sa plantasyon ng Marijuana sa Barangay Kasapa II sa bayan ng La Paz, Agusan del Sur, agad na rumesponde ang kapulisan kasama ang kawani ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ayon kay Brigadier General Joselito Esquivel, Jr., ang regional director ng Police Regional Office 13, natuntun ng mga tropa ang lokasyon ng 10,000 marijuana hills o plantasyon ng Marijuana na kilala bilang isa sa mga ilegal na droga at aabot aniya ang halaga nito sa dalawang milyong piso (P2,000,000.00).

Nakilala ang may-ari ng Marijuana plantation na isang magsasaka at residente sa nasabing barangay. Subalit nakatakas na umano ito sa lugar bago pa man dumating ang mga otoridad.

Agad namang binunot ang mga pananim na Marijuana at dinala sa PNP Provincial Crime Laboratory.

Ang suspek ay haharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, partikular sa Section 16 o ang Cultivation or Culture of Plants Classified as Dangerous Drugs or as Sources Thereof.

Pinasalamatan naman ni PBGen. Esquivel ang mga lokal na residente sa agarang pagbigay impormasyon nito sa kanilang hanay. Hinimok din niya ang publiko na maging alerto at tumulong sa mga otoridad sa pagsugpo ng pinagbabawal na gamot na nakakasira sa buhay ng tao. (JPG, PIA-Agusan del Sur/PNP-13)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1041419

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: