KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Tagalog News: Oryentasyon sa wastong paghawak sa bangkay na may COVID-19, isinagawa

March 14, 2021 Uncategorized
Ipinapaliwanag ni RCLO Mimaropa Acting Regional Chief P/LtCol Nerino B. Daciego sa mga partisipantes ang paghawak sa mga bangkay na may COVID-19 at tamang pangangalaga ng mga nagamit na PPEs. (Kuha ng RCLO Mimaropa)

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Mayo 10 (PIA) — Isinagawa kamakailan ng Regional Crime Laboratory Office (RCLO) Mimaropa ang dalawang araw na “Basic Orientation on the Proper Handling of Remains of PUI’s and Coronavirus Disease 2019 cases” na dinaluhan ng 100 partisipantes mula sa 15 bayan ng lalawigan.

Pinangunahan ni RCLO Acting Regional Chief P/LtCol Nerino B Daciego na isa ding pathologist ang paghahatid impormasyon sa mga kawani ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO), Department of Health (DOH), Department of Interior and Local Government (DILG), mga may-ari ng punerarya at nagbibigay serbisyo sa mga namatay na siya nilang mapapakinabangan ang mga impormasyon sakali ang kanilang hinahawakang bangkay o pasyente ay isang Person Under Investigation (PUI) o nag positibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ginanap sa unang araw ng oryentasyon sa City Plaza Pavilion noong Abril 30 na dinaluhan ng 24 na partisipantes mula sa mga bayan ng Puerto Galera, San Teodoro, Baco, Naujan at mula sa lungsod na ito na kabilang sa Cluster 1 at ang Cluster 2 ay mula sa mga bayan ng Victoria, Pola, Socorro, Pinamalayan, Gloria at Bansud kung saan 41 ang dumalo na ginanap sa Municipal Gymnasium, Brgy. Zone 2, Pinamalayan.

Habang sa ikalawang araw ay dinaluhan ng 35 partisipantes na kabilang sa Cluster 3 mula sa mga bayan ng Bongabong, Roxas, Mansalay at Bulalacao na ginanap sa Municipal Gymnasium, Brgy. Bagumbayan, Roxas.

Itinuro ni Daciego sa mga dumalo kung paano ang pag hawak sa isang bangkay na nahawaan ng virus gayundin kung ano ang tama at ligtas na pamamaraan ng pagsusuot at paghuhubad ng mga Personal Protective Equipment (PPE) at saan ito maaaring itapon upang hindi makakahawa sa ibang tao.

Ayon kay Daciego, “Aming ipinatupad ang DILG Memorandum Circular No. 2020-063 na may pamagat na ‘Interim Guidelines on the Management of Human Remains for Patient Under Investigation (PUI) and Coronavirus Disease 2019 (COVID-19)’ na naguutos na isagawa namin ang pagsasanay lalo na sa mga may-ari ng punerarya at kawani nila na siyang humahawak sa mga bangkay upang hindi sila mahawa ng virus.”

Pinasalamatan ng mga partisipantes ang RCLO Mimaropa sa pag-aaral na isinagawa at malaking tulong aniya ito sa kanilang pagseserbisyo sa lipunan gayundin ang isyu ng diskriminasyon at pagtanggi sa pag-asikaso sa mga bangkay na may sakit na COVID-19. (DN/PIA-OrMin)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1041415

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: