KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Tagalog News: Operasyon ng ARBOs sa Caraga, patuloy kahit may banta ng COVID-19

March 14, 2021 Uncategorized

LUNGSOD NG BUTUAN, Mayo 22 — Kahit may banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa rehiyon ng Caraga, patuloy pa ring kumikita ang mga Agrarian Reform Beneficiries Organizations o ARBOs. Ito ay batay na rin sa record ng Department of Agrarian Reform (DAR).

Patuloy ang paghatid ng ARBOs ng kanilang mga produkto kagaya ng bigas, gulay, itlog at marami pang iba sa iba’t ibang market centers ng rehiyon lalo na’t nakaquarantine ang mga tao. Base sa record ng DAR noong Mayo 8, 2020, umabot sa P51,803,696 ang naging kita sa buong rehiyon.

Sa probinsya ng Agusan del Norte na may 1,430 ARBs umabot ito ng P16,855,740.70; Agusan del Sur na may 9,895 ARBs ay umabot sa P32,867,466.30; sa Surigao del Norte at pati na rin ang probinsya ng Dinagat Islands na may 201 ARBs ay umabot din sa P1,304,081.20; at ang Surigao del Sur na may 446 ARBs ay umabot din sa P776,408.00 ang kita.

Ayon pa kay DAR Caraga Director Leomides Villareal, patuloy nilang tinutulongan ang mga ARBOs ng rehiyon, upang patuloy din silang kikita kahit paman sa COVID-19 pandemic.

Dagdag pa ni Villareal, walang putol ang tulong at aktibidades na ibinibigay ng DAR sa mga ARBs kahit paman may COVID-19 pandemic. Maliban sa social amelioration ng gobyerno nagbigay din ang DAR ng food packs sa mga ARBs at patuloy din ang pagbibigay ng mga pahiram sa tulong na din ng Department of Agriculture at iba pang ahensya.

Nagbigay din daw ang mga ARBs sa mga local government units ng kanilang mga produkto kung kaya’t mas lalong tumaas ang kanilang mga kita dahil sa kanila kumukuha ang mga ito. (NCLM/PIA Agusan del Norte)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1042484

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: