KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Tagalog News: Mimaropa, kasama sa balik community quarantine

March 14, 2021 Uncategorized
Sec. Ano
“Marami pong local chief executives, governors at mayors ang nagsagawa ng petition, request at sinasabi nila na hindi pa sila handa para tanggalin sa community quarantine,” pahayag ni Sec. Año. (screenshot mula sa PTV-4)

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan, Mayo 14 (PIA) — Ibinalik muli sa community quarantine ang mga lugar sa bansa at kabilang dito ang rehiyong Mimaropa.

Nabago ang unang inanunsiyo noong Martes, Mayo 12 ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi na kasama sa community quarantine ang Mimaropa, ayon sa Resolution No. 35 ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IAFT-EID).

“Wala na pong lugar sa buong Pilipinas na hindi nasa ilalim ng Community Quarantine. ‘Yon naman pong areas na sinabi natin kahapon na wala na pong community quarantine ay balik po sila under Modified General Community Quarantine,” pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque ngayong tanghali sa kanyang press briefing sa Malacañang.

Nilinaw naman ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo M. Año na ang pagbabalik muli sa community quarantine ng mga lugar na tinanggal dito ay dahil sa kahilingan ng mga Local Chief Executive (LCE).

“Marami pong mga local chief executive, governor at mayor ang nagsagawa ng petition, request at sinasabi nila na hindi pa sila handa para tanggalin sa community quarantine,” pahayag ni Sec. Año.

Ayon pa kay Sec. Año, ngayon hapon din ay nakatakdang amyendahan sa pagpupulong ng IATF-EID at pagtibayin ang muling pagsasailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ng walong rehiyon sa bansa kabilang na ang Mimaropa kung saan nakapaloob dito ang lungsod ng Puerto Princesa at lalawigan ng Palawan, 37 probinsiya, 11 siyudad at kasama ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

“Ibig pong sabihin ng Modified GCQ, magkakaroon pa rin ang mga local chief executive ng guidelines kung papaano niya ipatutupad ang Modified GCQ para sa ganun ay mayroon siyang kapangyarihan na magagamit upang matigil ang pag-spread ng virus sa mga lugar na mayron pa (COVID-19), kasi kapag wala nang quarantine ay ini-expect natin nab aka magkaroon pa ng second and third wave,” dagdag na pahayag ni Sec. Año.

Sinabi din ni Año na mag-iisyu ang IATF-EID ng guidelines para sa mga MGCQ na susundin ng mga local government units. (OCJ/PIA-MIMAROPA)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1041771

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: