KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Tagalog News: Mga residenteng hindi benepisyaryo sa SAP, nakatanggap ng relief goods mula sa kanilang barangay officials

March 14, 2021 Uncategorized

LUNGSOD NG BUTUAN, Mayo 11 (PIA) — Dahil ilang residente sa bayan ng Rosario sa Agusan del Sur ang hindi napabilang sa listahan ng mga benepisyaryo sa Social Amelioration Program (SAP), pinalakas pa ng kanilang lokal na pamahalaan ang pamamahagi ng kanilang family food packs.

Ito ay para matagunan ang pangangailangan sa pagkain ng kanilang mga mamamayan.

Kabilang sa mga ito ang Barangay Sta. Cruz kung saan namahagi ng ayuda ang barangay officials sa may mahigit 1,000 pamilya, at maging sa mga tricycle at single motorcycle drivers.

Ganito rin ang isinagawa sa Barangay Wasian. Namigay rin ang lokal na pamahalaan ng kanilang ayuda para sa mga residente.

Bagamat nahihirapan sa kanilang kondisyon ngayon, malaki pa rin ang pasalamat ni Mary Rose Matiga sa ayudang kanilang natanggap mula sa gobyerno, at umaasa siyang marami pang gustong tumulong sa mga apektadong pamilya lalu na sa malalayong barangay.

“Talagang mahirap ang buhay ngayon sa dinaranas nating problema pero kahit papano nakakakain pa rin kami ng tatlong beses sa isang araw dahil nakapagtanim kami ng gulay at sa mga ayudang bigay ng gobyerno,” ani ni Matiga.

Panawagan naman ni Felicidad Abulog-Ocite, ang punong barangay ng Sta. Cruz at Association of Barangay Councils (ABC) president sa bayan ng Rosario, na magtulungan ang lahat at patuloy na manatili sa kanilang tahanan upang masugpo ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), habang binibigay ng gobyerno ang inaasahang tulong sa mga mamamayan.

“Magkaisa po tayong lahat sa paglaban sa COVID-19. Malalampasan po natin ang pagsubok na ito, huwag lang po tayo mawalan ng pag-asa. Suportahan din po natin ang ating mga frontliners at gawin po natin ang mga kailangang gawin upang masugpo ang pagkalat ng virus,” sabi ni Ocite.

Samantala, ayon naman kay Mayor Jupiter Abulog, hindi pinapabayaan ng gobyerno ang mga mahihirap nating kababayan lalu na ang mga hindi nakatanggap ng SAP at iba pang cash assistance dahil patuloy naman ang pamamahagi ng 25 kilos na bigas at iba pang relief goods.

Hinimok din niya ang mga residente lalu na sa mga may kaya sa buhay na ipaubaya na lamang sa mga mahihirap ang relief goods. (JPG/PIA-Agusan del Sur)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1041423

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: