KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Tagalog News: Mga magsasaka sa Caraga region nakatanggap ng financial assistance mula sa DA

March 14, 2021 Uncategorized

LUNGSOD NG BUTUAN, Mayo 6 (PIA) — Umabot sa 19,278 na magsasaka ng palay sa rehiyon ng Caraga ang nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa Department of Agriculture (DA) na umabot sa P96.4 million.

Bawat kwalipikadong magsasaka ay tumanggap ng tig P5,000 mula sa Rice Farmers Financial Assistance o RFFA program ng DA.

Ayon kay DA Caraga regional director Abel James Monteagudo, ang RFFA ay isang tulong sa mga magsasaka na apektado sa pagbaba ng presyo ng palay.

At kahit may COVID-19 pandemic, patuloy parin ang pagbigay ng DA sa tulong pinansyal para magamit na pantustos sa kanilang mga pangangailangan.

Kaya’t malaki ang pasalamat ni Jospeh Libres ng barangay Humilog ng bayan ng RTR, Agusan del Norte dahil may maipambibili na sila ng kanilang pagkain.

May 4,637 na magsasaka na ang nakinabang sa lalawigan ng Agusan del Norte; 5,468 sa Agusan del Sur; may 5,018 dinn sa Surigao del Sur (5,018); at 4,155 na rin sa Surigao del Norte.

Malaki  ang pasalamat ng DA sa mga local government units na tumulong upang mapadali ang pamamahagi ng naturang ayuda.

Maliban sa tulong pinansyal, nagbigay din ang DA ng survival and recovery loan assistance na maaari nilang bayaran hanggang  sampung taon ng walang interes.

Mayroon ding agricultural competitiveness enahncement fund na may maliit na interes lamang upang matulongan ang kanilang mga pangangailan.

Sa ngayon, patuloy ang pamamahagi ng ahensya at target nito na maibahagi ang tulong pinansyal sa 38,000 magsasaka sa buong rehiyon. (NCLM/PIA Caraga)

 

source https://pia.gov.ph/news/articles/1041008

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: