KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Tagalog News: Mga magsasaka sa AgSur, nakatanggap ng farm equipment mula sa DA

March 14, 2021 Uncategorized

LUNGSOD NG BUTUAN, Hunyo 8 (PIA) — Isa ang sektor ng mga magsasaka na apektado sa krisis na dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa. Kaya naman pinagtuunan ito ng pansin ng Department of Agriculture (DA) Caraga at binigyan  sila ng farm equipment na nagkakahalagang mahigit P4-million.

May 49 na farmers’ associations sa probinsya ng Agusan del Sur na makikinabang sa 53 units ng pre and post-harvest equipment.

Nasa kustudiya ito ngayon ng Agusan del Sur Pagkain ng Bayan Compound sa Bayugan City at maaari ng magamit ng mga magsasaka.

Ayon kay Rene Morales, ang hepe ng Regional Agricultural Engineering Division ng DA-Caraga, ang Provincial Agriculture Office ng nasabing probinsya ang siyang maghahatid ng nasabing farm equipment kabilang dito ang threshers, pumps, engine sets na may kompletong accessories, transplanters, rice reapers, at granule applicators cum seed spreaders.

Ang pundong ginamit rito ay mula sa DA-Rice Program – Regular Fund bilang suporta sa sektor sa layuning makamit ang inaasam na “Masaganang Ani at Mataas na Kita.”

Dumaan na rin ang mga benipisyaryong magsasaka sa kinakailangang pagsasanay upang masigurong maayos at epektibo ang kanilang operasyon sa kanilang pang-araw araw na kabuhayan.

Samantala, binigyang-diin naman ni DA-Caraga regional director Abel James Monteagudo, na patuloy ang kanilang pagtulong sa sektor upang patuloy din itong magkaroon ng sapat na ani at produkto na maibahagi at maibenta sa ibat-ibang probinsya ng rehiyon.

Inaasahan aniya ng ahensiya na sa tulong ng nasabing makinarya, tataas pa ang ani ng mga magsasaka. Patuloy din ang kanilang pamimigay ng seeds, fertilizers, maging tulong pinansyal at trainings sa sektor.

Ito rin ay bilang tugon sa direktiba ni DA Secretary William Dar sa ipinapatupad na farming modernization sa bansa.(JPG/PIA-Agusan del Sur)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1044041

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: