KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Tagalog News: Mass testing, tuloy-tuloy sa Antipolo

March 14, 2021 Uncategorized
Patuloy ang mass testing sa testing centers sa Lungsod ng Antipolo tulad ng Antipolo National High School sa Brgy. Sta. Cruz. (Larawan mula sa Jun-Andeng Ynares Facebook Page)

LUNGSOD NG ANTIPOLO, Rizal, Mayo 13 (PIA)– Nagpapatuloy ang mass testing sa Lungsod ng Antipolo gamit ang Rapid Diagnostic Tests at RT-PCR (Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction) tests.
 
Ayon sa Facebook Page ni Antipolo City Mayor Andrea Ynares, noong Mayo 12 ay mayroong 530 katao sa Antipolo National High School, isa sa mga testing center sa lungsod, na natapos itest na doble sa target ng pamahalaang panglungsod.
 
Nasa 3,000 naman sa lungsod ang nasuri ng LGU gamit ang rapid test at RT-PCR na siyang pinakamarami sa CALABARZON.
 
“528 individuals na rin po ang na contact tracing natin mula po nang magka first confirmed case po tayo,” dagdag ng alkalde.
 
May anim na istasyon sa mga testing center na Antipolo para sa mga mamamayang ipapasuri.
 
Sa Station 1 o Triage ay tsine-check ang recent travel history ng tao pati kung may sintomas at exposure o close contact sa taong nagpositibo sa COVID-19. Ihihiwalay dito ang mga may sintomas sa wala.
 
Sa Stage 2 o Orientation naman ay papanoorin ng maiksing audio-visual presentation tungkol sa COVID-19 at sa mass testing procedures na kanilang pagdadaanan.
 
Ang mga mayroon at walang sintomas ay kukunan naman ng dugo na ilalagay sa anti-body test media sa Station 3 o Rapid Diagnostic Testing.
 
Sa Station 4 naman ang Releasing of results at counselling mula mga health professionals kung saan ipapaliwanag ang naging resulta ng rapid test;
 
Ang Station 5 naman ang swab collection para sa mga magpopositibo sa rapid testing.
 
Dito naman sila kukunan ng specimen (nasopharyngeal swab collection) para makumpirma ang resulta ng rapid test gamit ang RT-PCR test na aabot ng dalawang hanggang tatlong araw.
 
Para naman sa mga symptomatic o hindi nagpapakita ng sintomas, anuman ang resulta ng rapid diagnostic test, kailangan pa rin sumailalim sa PCR-based test.
 
Habang hinihintay ang paglabas ng resulta, sasailalim naman sa Station 6 o Quarantine ang mga sinuri sa mga partner hotels, resorts at isolation facilities ng pamahalaan.(PIA-Rizal, may ulat mula sa Jun-Andeng Ynares Official Facebook Page)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1041721

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: