KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Tagalog News: Mahigit 3,000 pamilya nakinabang sa ‘Adopt- A- Family Program’ ng BPPO

March 14, 2021 Uncategorized
Tinaguriang “Kapwa Ko,  Sagot Ko,”  umabot sa 3,128 ang bilang ng mahihirap na pamilya na nakinabang sa sa “Adopt-A-Family Program” ng Batangas Police Provincial Office. (Photo from BPPO/Caption by Bhaby P. De Castro-PIA Batangas)

LUNGSOD NG BATANGAS, Mayo 1 (PIA) -Mahigit sa 3,000 mahihirap na pamilyang Batangueno ang nakinabang sa “Adopt-A-Family Program” ng Batangas Police Provincial Office (BPPO).
 
Ang naturang programa na tinaguriang “Kapwa Ko, Sagot Ko” ay layong maipakita na sa kabila ng pagkakaroon ng otoridad sa pagpapatupad ng batas, naroon ang kakayahan ng bawat kapulisan na tumulong sa mga nangangailangan.
 
Sinabi ni Hazel Luma-ang Suarez, Public Information Officer ng BPPO na bawat isang pulis ay binigyan ng pagkakataon na makatulong sa mga pamilyang nais nilang bigyan ng tulong sa panahon na ipinatutupad ang Enhanced Community Quarantine.
 
“Bawat isang pulis ay binibigyan ng pagkakataon na makatulong sa sinumang pamilya na maituturing na ‘poorest of the poor’ at walang kakayahan na makabili ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, gamot, gatas at iba pa,” ani Suarez

Ito rin ay pagpapakita na sa kabila ng pagganap sa kanilang tungkulin, patuloy din ang kanilang pakikipagkapwa-tao, ayon pa sa kanya.

“Isang pamamaraan din ito upang ibalik at patatagin ang tiwala ng mga tao sa kapulisan na ang mga ito ay maaaring maasahan hindi lamang sa pagseguro sa kaligtasan kundi maging sa panahon ng kagipitan. Ang tulong na ibibigay ng bawat isang pulis ay mula sa kanilang sariling bulsa,” pagtatapos ni Suarez.
 
Sa tala ng BPPO-Police Community Relations, may 3,128 na mahihirap na pamilya ang nakinabang sa naturang programa hanggang ngayong araw at inaasahang tataas pa ito dahil patuloy ang pagtulong na ginagawa ng lahat ng kapulisan. (BHABY P. DE CASTRO-PIA Batangas)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1040647

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: