KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Tagalog News: Magsasaka ng Vizcaya, tumanggap ng makinarya mula PLGU

March 14, 2021 Uncategorized

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Hulyo 28 (PIA) – Tumanggap ng mga makinaryang pang-agrikultura ang mga magsasaka ng lalawigan noong ika-23 ng Hulyo mula sa provincial government.

Ang mga makinaryang pang-agrikultura ay binili ng provincial government mula sa 2018 na insentibo ng Rice Achievers Award (RAA) ng lalawigan.

Ang RAA ay taunang award sa mga local government unit na nagtamo ng mataas na produksiyon ng bigas sa mga siyudad, probinsiya at bayan.

“Ang insentibong ito ay ibabalik natin sa ating mga magsasaka dahil sila ang naghirap upang matamo ng lalawigan ang ganitong mga benepisyo o premyo,” pahaya ni Governor Carlos Padilla.

Naniniwala si Padilla na lalo pang tataas ang produktion ng bigas sa lalawigan kung ang mga magsasaka ay may mga makabagong gamit pang-agrikultura.

“Paunti-unti, ating binibigyan ng mga makabagong makinaryang pang-agrikultura ang sting mga magsasaka sa lalawigan upang sila ay aangkop sa daloy ng modernisasyon ng pagsasaka,” pahayag pa ni Padilla. (MDCT/BME/PIA 2-Nueva Vizcaya)

 

source https://pia.gov.ph/news/articles/1048308

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: