KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Tagalog News: Libreng sakay sa jeep, multicab sa Puerto Princesa, handog ng LGU

March 14, 2021 Uncategorized
Libre muna ang pasahe sa mga bumabyaheng multicab at jeepney sa Puerto Princesa sa Mayo 5-15, habang umiiral ang general community quarantine (GCQ). Ito ay sa ipinatutupad sa ilalim ng ‘transport subsidy project’ ng pamahalaang lungsod na naglalayong tugunan ang suliranin ng mga mananakay pagdating sa kakulangan ng transportasyon, gayundin ang hanapbuhay ng mga namamasadang drayber sa kabila ng limitadong bilang ng pasahero lamang ang maaaring isakay. (Larawang kuha ni Richard C. Ligad/Puerto Princesa City Information Office)

PUERTO PRINCESA, Palawan, Mayo 4 (PIA) — Ililibre ng pamahalaang lungsod ng Puerto Princesa ang biyahe ng mga mananakay sa mga multicab at jeepney mula Mayo 5 – 15, habang umiiral ang general community quarantine (GCQ).

Ito ay matapos na pagtibayin ng Sangguniang Panlungsod ng Puerto Princesa ang isang ordinansa ukol sa pagkakaroon ng ‘transport subsidy project’.

Sa ilalim ng programa, bibigyan ng P1, 000 na subsidiya ang mga drayber at operator ng pampublikong sasakyan, at 12 litro ng gasolina kada araw sa kanilang pamamasada.

Layon nito na tugunan ang kinakaharap na suliranin ng mga mananakay sa kakulangan ng mga bumabiyaheng sasakyan sa mga pangunahing kalsada bunsod ng limitadong bilang ng pasahero na maaaring isakay sa bawat biyahe.

Tatanggap ng libreng sakay ang mga pampublikong sasakyan mula alas-6 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi, sa mga sumusunod na destinasyon, tulad ng Irawan, Sicsican, Sta. Monica, PSU-City Hall, Sta. Lourdes, Tagburos, Alta Homes, San Jose, at New Market.

Pitong mananakay lamang ang maaaring isakay ng isang multicab upang mapanatili ang physical distancing.

Pinapaalalahanan naman ng lokal na pamahalaan ang publiko na magsuot ng face mask, magdala ng ID o quarantine pass, at panatilihin ang physical distancing sa pag-aabang ng sasakyan.  

Samantala, dahil sa iisang pasahero lamang ang maaaring isakay ng mga tricycle, tataas naman sa P20 ang magiging pasahe rito mula sa dating P10, habang umiiral ang GCQ.

Sa ilalim parin ng transport subsidy project, pagkakalooban naman ng dalawang litro ng gasolina ang bawat unit ng tricycle kada araw.

Kaugnay nito, nasa 6,000 tricycle at 100 multicab at jeepney sa siyudad ang maaaring maisailalim sa subsidiya. (LBD/PIAMIMAROPA)

 

 

 

source https://pia.gov.ph/news/articles/1040946

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: