KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Tagalog News: Libreng sakay alok ng Siniloan LGU para sa mga residente

March 14, 2021 Uncategorized

SINILOAN, Laguna, Sep 9 (PIA) — Magkakaloob ng libreng sakay ang lokal na pamahalaan ng Siniloan para sa mga residente nitong naninirahan sa mga upland areas na kinakailangang magtungo sa sentro ng kanilang bayan.

Ayon sa lokal na pamahalaan, inaaasahang makakatulong ang libreng sakay na magsisimula ngayong Martes, Setyembre 8, para sa mga residente ng Barangay Macatad at Lavac at iba pang lugar na magtutungo sa bayan para sa mga mahahalagang transaksiyon at essential services.

“Sa simpleng paraan ay tayo ay makakatulong lalo na sa panahon ng pandemya. Ito po ay biyahe lamang mula Llavac pababa sa ating Bayan para sa mga mamamalengke, kukuha ng mga importanteng dokumento, kukuha ng pera padala at iba pa,” pahayag ng lokal pamahalaan ng Siniloan.

Kaugnay nito ay mahigpit namang ipapatupad ang minimum health protocols gaya ng physical distancing at pagsusuot ng face mask at face shield. Nagpaabot din ng paaalala ang pamahalaang lokal na hindi pasasakayin ang mga residenteng hindi susunod sa mga health protocols.

Ayon sa pamahalaang lokal ng Siniloan, aarangkada ang libreng sakay tuwing Martes, Huwebes, at Sabado kung saan ang unang biyahe ay alas 8:00 ng umaga pababa ng bayan at alas 10:00 ng umaga, pabalik sa mga upland areas.

Magkakaroon din anila ng pangalawang biyahe ng ala-1:00 ng hapon pababa muli sa bayan at alas-4:00 ng hapon pabalik mula sa mga upland areas. (FSC)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1052538

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: