KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Tagalog News: Libreng online consultation, kaloob ng Colegio ng Lungsod ng Batangas

March 14, 2021 Uncategorized

LUNGSOD NG BATANGAS, Hunyo 3 (PIA) –Sa ilalim ng general community quarantine, inilunsad ng Colegio ng Lungsod ng Batangas (CLB) ang libreng online medical at online consultation sa mga mag-aaral, guro at iba pang kawani nito.

Sa pahayag ni CLB Vice President for Administration, Dr. Eleanore de Guzman, nais ng CLB na ma-monitor at matiyak na sa kabila ng pagkalat ng COVID-19 sa lungsod ay nasa mabuting kalusugan pa din ang mga miyembro ng kanilang komunidad.

“Mahalaga na mamonitor at matiyak na lahat ng mga estudyante, mga guro at mga non-teaching personnel ng CLB ay nasa maayos na estado ang kalusugan dahil ito lamang ang maaaring panlaban upang huwag kapitan o magkaroon ng COVID 19”, ani de Guzman.

Ang online consultation ay mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

Ang mga estudyante, guro at iba pang kawani nito na nais ng medical consultation ay maaaring maglog on sa https://www.facebook.com/CLBMed at dental consultation naman ay https://www.facebook.com/Colegio-Ng-Lungsod-Ng-Batangas-dental-113486840381927. (BHABY P. DE CASTRO-PIA Batangas with report from Batangas City PIO)

 

source https://pia.gov.ph/news/articles/1043609

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: