KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Tagalog News: LGU-Makilala nagsimula nang mamigay ng tulong sa mga bakwit na bumalik sa kani-kanilang lugar 

March 14, 2021 Uncategorized

MAKILALA, Lalawigan ng Cotabato, Hulyo 24 (PIA) – Nagsimula nang mamahagi ng ayuda ang lokal na pamahalaan sa mga bakwit na bumalik na sa kani-kanilang lugar dahil sa takot sa banta ng coronavirus disease 2019 sa mga evacuation camp.

Kahapon, unang nakatanggap ng tulong ang abot sa 210 pamilya sa Sitio Balawan, Barangay Malasila. Bawat pamilya ay nakatanggap ng P5,000 at isang sakong bigas. Nabatid na abot sa 1,035 pamilya mula sa iba-ibang evacuation camp ang bumalik sa kanilang tahanan dahil sa pangamba sa naturang sakit. Ang mga pamilyang ito ay naapektuhan ng serye ng lindol na tumama sa bayan noong nakaraang taon.

Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Mayor Armando Quibod ang mga personahe at opisina na tumulong upang maisakatuparan ang pamamahagi ng ayuda. Sinabi pa ng opisyal na isa sa mga tinututukan ngayon ng lokal na pamahalaan ang pagpapaayos ng mga daan sa mga barangay. Nanawagan din ng pagtutulungan ng bawat isa si Quibod.

Samantala, iginiit naman ni vice-mayor Ryan Tabanay na patuloy ang ginagawang hakbang ng Sangguniang Bayan upang matugunan ang pangangailangan ng mga internally displaced person. Aniya, masusing tinututukan ng SB ang paglalaan ng pondo sa mga mas mahahalagang bagay.

Pinayuhan naman ni Tabanay ang mga IDP na gamitin sa tama ang tulong na ibinigay ng lokal na pamahalaan. (With reports from MICO-Makilala)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1048510

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: