KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Tagalog News: K-Mobile Telemedicine at K-Mobile Botika, inilunsad sa Baras

March 14, 2021 Uncategorized

LUNGSOD NG ANTIPOLO, Rizal, Mayo 4 (PIA)– Sisimulan na ang K-Mobile Telemedicine at K-Mobile Botika sa Bayan ng Baras upang mabigyang-tugon ang pangangailangang medikal ng mga  lokal.
 
Mula Mayo 4 ay magsasagawa ng mga konsultasyon sa pamamagitan ng social media upang maipatupad ang social distancing sa pamamagitan ng K-Mobile Telemedicine
 
Ayon sa pamahalaang bayan ay kailangan lamang na hanapin ang Facebook Page ng Baras Rural Health Unit, i-like ang pahina at magpadala ng mensahe.
 
Matapos nito ay maghihintay lamang para sa schedule kung kailan isasagawa ng konsultasyon sa pamamagitan ng video call. 
 
Ang schedule ng Telemedicine ay tuwing Lunes hanggang Biyernes ng 10AM hanggang 12NN at Sabado at Linggo ng 11AM hanggang 12NN.
 
Libreng gamot naman na ipapadala sa bahay ng mamamayan ang hatid ng K-Mobile Botika.

 
Lahat ng mga nagpakonsulta ating telemedicine ay makakatanggap ng libreng paunang gamot at reseta.
 
Dadalhin ng nurse-on-duty sa tahanan ng mamamayan ang mga gamot mula 2PM kasabay ang pagpapaliwanag ng direksyon sa pag-inom ng gamot. 

Ayon pa sa LGU ay bukasang Municipal Health Center sa bayan at Barangay Health Stations sa lahat ng barangay maging ang Barangay Health Station sa Southville 9 Phase 1 at sa Sitio Cinco sa Brgy. Pinugay mula Lunes hanggang Linggo 8AM hanggang 5PM para sa mga nais magpakonsulta ng personal basta’t susunod sa COVID-19 precautionary measures. 
 
Ang schedule sa  Specialty Clinic sa Municipal Health Center sa bayan ay Pediatrics tuwing Lunes, Martes at Huwebes; Internal Medicine tuwing Miyerkules at OB-Gyne tuwing Biyernes.
 
Pinapaalala ng Pamahalaang Bayan na masusugpo ang COVID-19 sa pamamagitan ng proper hand Hygiene, cough etiqutte, physical distancing, pag-iwas sa mass gatherings at pananatili sa loob ng bahay. (PIA-Rizal may ulat mula sa Municipality of Baras Facebook Page)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1040855

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: