KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Tagalog News: Implementasyon ng NGP, pinaigting ng DENR sa harap ng COVID-19 crisis

March 14, 2021 Uncategorized

LUNGSOD NG BUTUAN, Hulyo 6 (PIA) — Habang abala ang mga taga-Caraga sa communal gardening, mas pinaigting din ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Caraga ang pagpapatupad ng National Greening Program (NGP) gayundin ang pagsusulong ng proteksyon sa mga pinagkukunang yaman ng rehiyon.

Base sa tala ng ahensiya, mahigit 5.7-million seedlings ang naitanim sa NGP areas noong nakaraang taon. Ang probinsya ng Agusan del Sur ang may pinakamalaking naiambag rito.

Ayon kay Forester Samuel Danganan, assistant regional director for Technical Services ng DENR-Caraga, patuloy na nakikilala ang rehiyon bilang may mataas na performance sa pagpapatupad ng NGP.

Dagdag pa ng opisyal, bagamat marami ang sumusuporta  sa nasabing programa sa mga komunidad, nananatiling problema pa rin ang illegal logging activities sa rehiyon.

Dahil dito, nasa 98 percent ang kanilang isinagawang apprehension o paghuli sa mga lumalabag sa forest protection laws.  

Samantala, nanawagan naman sa lahat ng Caraganons ang bagong itinalagang regional executive director ng DENR, na makibahagi sa kampanya ng gobyerno at makilahok sa mga ginagawang hakbang nito para mapanatiling maayos at protektado ang pinagkukunang yaman ng rehiyon.

“Hindi ito kaya ng iisang sektor o ng gobyerno lamang. Bawat isa sa atin ay may mahalagang tungkuling kailangang gampanan upang maprotektahan ang ating kalikasan hanggang sa susunod pang henerasyon,” ani ni regional executive director Hadja Didaw Piang-Brahim ng DENR-Caraga. (JPG/PIA-Caraga)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1046551

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: