KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Tagalog News: Higit 7M solar powered irrigation projects itatatayo sa San Jose

March 14, 2021 Uncategorized
Ayon kay Edwin Arevalo, Senior Institutional Development Officer ng NIA, nakasalalay sa volume ng tubig sa ilalim ng lupa ang laki ng lugar na maaring mapatubigan. (EA/NIA)

SAN JOSE, Occidental Mindoro, Hul. 27 (PIA) – Apat na solar-powered water pumps na nagkakahalaga ng P7.6 milyon ang nakatakdang itayo ng National Irrigation Administration (NIA)-Occidental Mindoro sa Barangay Magbay at Lacurva sa bayang ito.

Ayon kay Edwin Arevalo, Senior Institutional Development Officer ng NIA, nakasalalay sa volume ng tubig sa ilalim ng lupa ang laki ng lugar na maaring mapatubigan at target ng kanilang ahensya ang pagpapatubig sa kabuuang 40 ektaryang taniman.

“Ang naturang mga taniman na matatagpuan sa dalawang nabanggit na barangay ay pinangangasiwaan ng 15 magsasaka na kasalukuyang benepisyaryo ng ating programa,” ani Arevalo.

Ipinaliwanag ni Arevalo na upang matiyak na may tubig ang paglalagyan ng kanilang solar powered water pumps, ay plano ng contractor ng proyekto na ilagay ito sa mga lugar na may dati nang nakatayong poso o water pump.

“Kung dati gumagamit sila ng diesel-driven engine sa pagpapatubig,  sa proyekto natin, enerhiya naman galing sa araw ang magpapatakbo sa mga pump”, pahayag ni Arevalo. Aniya, mas matipid ang solar powered water pumps dahil hindi na bibili ng krudo ang magsasaka tuwing magpapatubig bukod sa matipid ito sa maintenance. Dagdag pa ng opisyal, maaaring paandarin ang nabanggit na water pump kahit maulap ang panahon. 

Sinabi rin ni Arevalo na nai-award na sa contractor ang nasabing proyekto at inaasahang mapapakinabangan ng mga benepisyaryo sa lalong madaling panahon. (VND/PIA MIMAROPA)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1048576

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: