KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Tagalog News: Hidden Beach sa El Nido, kabilang sa ‘Best Beaches’ ng Conde Nast 

March 14, 2021 Uncategorized
Ang Hidden Beach na parte ng Matinloc Island sa El Nido, Palawan ay mararating lamang sa pamamagitan ng paglangoy sa ilalim ng dagat mula sa  siwang ng naglalakihang bato o bangin. (Larawan mula sa The Poor Traveler FB Page)

EL NIDO, Palawan, Hun. 26 (PIA) — Kinilala ng Conde Nast Traveller ang Hidden Beach ng El Nido, Palawan bilang isa sa ‘The 30 Best Beaches in the World’. 

Ang Hidden Beach o tinaguriang “secret beach” ng mga lokal ay nasa Matinloc Island at kabilang sa mga pinupuntahang destinasyon sa island-hopping tours. 

Ilang pagkakataon nang nabigyan ng pagkilala ang El Nido at ang Palawan ng mga bantog na travel magazines sa ibang bansa.

Noong 2016 at 2017, kinilala ng Travel+Leisure Magazine ang Palawan bilang numero uno sa World’s Best Islands Awards.

Sa Conde Nast Traveller  ay nakabilang ang ay nakabilang ang Palawan na isa sa Top 5 Best Islands in Asia.

Kamakailan lamang, pinangalanan rin ng Forbes Magazine ang Pilipinas bilang isa sa “Rising Stars in Travel”, kasama ng anim pang bansa na “may potensyal na maging isang pangunahing tourist destination pagkatapos ng COVID-19 pandemya”. (LC/PIAMimaropa/Calapan)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1045849

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: