KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Tagalog News: Gov. Riano, nais pansamantalang ihinto ang pagpapauwi sa mga LSI,ROF

March 14, 2021 Uncategorized
Sa mensaheng pinadala ni Gov. Jose Riano kay Director Wilhelm Suyko, kasalukuyang Regional Director ng DILG-Mimaropa, at kasalukuyan ring chairman ng RITF, hiniling ng gobernador ang pansamantalang pagpapatigil ng paguwi ng LSIs at ROFs sa probinsya. (PIA-Romblon FILE PHOTO)

ODIONGAN, Romblon, Hun. 29 (PIA) — Sa pamamagitan ng isang sulat, humiling si Governor Jose Riano sa Regional Inter-Agency Task Force (RIATF) na pansamantala munang ihinto ang pagpapauwi sa Romblon ng mga locally stranded individuals (LSIs) at Returning Overseas Filipino (ROFs).

Sa mensahe na pinadala ni Governor Riano kay Director Wilhelm Suyko, kasalukuyang Regional Director ng Department of Interior and Local Government-Mimaropa, at kasalukuyan ring chairman ng RITF, sinabi ni Riano na dagsa na ang umuuwi na LSI at ROFs sa probinsya kaya nahihirapan na ang pagpapatupad ng health protocols sa mga isolation centers.

Aniya, mismong ang mga alkalde ng 17 munisipyo sa lalawigan ang humiling sa kanya ng pansamantalang pagpapatigil sa pagpapauwi ng mga LSI at ROF.

“Kailangang suspendehin muna ang pagdating ng mga LSIs at ROF [sa probinsya] para mabigyan ng oras ang mga lokal na pamahalaan na mapaghandaan ang mga pasilidad na tutuluyan ng mga bagong batch ng mga Romblomanons,” ayon sa liham ng gobernador.

Kung maaprubahan, pansamantalang ititigil ang pagpapauwi sa mga LSI at ROFs simula July 1 hanggang sa July 14.

Ang nasabing sulat ay kasunod sa pagpositibo sa Covid-19 ng isang LSI sa bayan ng San Fernando noong nakraang linggo. (PJF/PIA-Mimaropa)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1046191

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: