KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Tagalog News: DTI nagkaloob ng tulong pangkabuhayan sa mga benepisyaryo sa OrMin

March 14, 2021 Uncategorized

Dalawang benepisyaryong natukoy ng Department of Trade and Industry (DTI) ang nabigyan ng tulong pangkabuhayan sa ilalim ng programang Pangkabuhayan sa pagBangon at Ginhawa (PGB).  (Kuhang larawan: OrMin PISD)

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Hul. 21 (PIA) — Pormal na ipinagkaloob kamakailan ng Department of Trade and Industry (DTI) Provincial Office ang tulong pangkabuhayan o mas kilala sa tawag na ‘Livelihood Kit’ sa dalawang natukoy na benepisyaryo sa ilalim ng programang Pangkabuhayan sa pagBangon at Ginhawa (PGB) na ginanap sa DTI Negosyo Center sa lungsod.

Ang mga benepisyong naibigay ng DTI ay grocery items na nagkakahalaga ng tig-P5,000 kay Editha Urbiztondo mula sa bayan ng San Teodoro at kay Wilfredo Encarnacion ng lungsod ng Calapan.

Ang PGB ay bagong programa ng DTI na tumutulong sa pamamagitan ng pagkakaloob ng livelihood assistance sa mga natukoy na kwalipikadong benepisyaryo tulad ng mga naging biktima ng sunog, namatayan ng kapamilya dahil sa pagtupad sa serbisyo at iba pang kahalintulad nito.

Ayon kay DTI Provincial Director Arnel Hutalla, kauna-unahang pagkakataon ito na makatukoy ang kanilang ahensya.  Aniya, ang pondo para sa livelihood assistance ay ipinagkaloob sa kanilang ahensya ni Senator Bong Go na gagamitin para sa mga mamamayan na lubhang naapektuhan ng pandemya partikular ang mga may maliliit na negosyo at mga mahihirap sa lalawigan.

Samantala, nasa 20 katao lahat ang bibigyang prayoridad ng nasabing ahensya ayon pa sa DTI.  Ito ay ipagkakaloob sa mga iba pang natukoy na benepisyaryo sa mga conflict areas, partikular sa mga bayan ng Mansalay at Bulalacao.

Ayon pa sa DTI, bahagi rin ito ng kanilang programa kaugnay ng pagtataguyod sa ‘whole-of-nation approach’ na pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan at bilang katuwang ng iba pang ahensya ng pamahalaan na kasapi ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF – ELCAC) na nakasaad sa Executive Order No. 70.  (LTC/PIA-OrMin)

 

source https://pia.gov.ph/news/articles/1048097

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: