KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Tagalog News: DAR namahagi ng P1.3-M makinarya sa mga magsasaka sa Surigao Norte

March 14, 2021 Uncategorized

LUNGSOD NG SURIGAO, Surigao del Norte, Hunyo 22 (PIA) — Sa gitna ng kasalukuyang pagsubok na nararanasan ng bansa dulot ng pandemya, walang patid sa pagpapatupad ng kanilang mga programa ang Department of Agrarian Reform – Surigao del Norte.

Namahagi ito ng gamit sa pagsasaka na nagkakahalaga ng P1.358 milyon sa Himamaug Agrarian Reform Beneficiaries Cooperative (HARBCO) sa bayan ng Taganaan, Surigao del Norte. Ito ay naisakatuparan sa ilalim ng Climate Resilient Farm Productivity Support Project ng ahensiya.

Mahigit kumulang 100 agrarian reform beneficiaries (ARBs) na miyembro ng  HARBCO ang direktang makakabenipisyo nito.

Pinangunahan ni Provincial Agrarian Reform Program Officer (PARPO) Maria Elizabeth de Guzman ng DAR-Surigao del Norte ang pag turn-over ng mga gamit sa pagsasaka sa HARBCO. (DAR-Surigao del Norte)

Kabilang sa naipamahagi ay four-wheel drive tractor, rotary tiller, at trailer. Ang mga makabagong kagamitan na ipinagkaloob sa mga farmer-beneficiaries ay makakatulong na mapabilis ang pagtatanim at maitaas ang produksyon.

“Itong farm implements ay talagang makakatulong sa pagsasaka lalo na sa modernong panahon ngayon at ang ating pamahalaan, sa pamamagitan ng DAR, ay libre itong ipinamigay sa kanila,” sabi ni Provincial Agrarian Reform Program Officer (PARPO) Maria Elizabeth de Guzman ng DAR-Surigao del Norte.

Habang pinapagaan nito ang pagtatanim ay inaasahan naman ng nasabing kooperatiba na madagdagan ang kanilang ani at kita. Sa tulong ng mga makinarya ay umaasa rin sila na magiging taga suplay ng mga prutas at gulay sa lokal na merkado.

Dagdag pa ni De Guzman, namimigay din sila ng food packs, food supplement, pesticides, fertilizers, at farm production kits sa lahat ng mga ARB.

Nagpapasalamat naman si Lilibeth Beberino, HARBCO chairperson, sa DAR-Surigao del Norte at sa lokal na pamahalaaan ng Taganaan sa suporta upang lalong maging maunlad at produktibo ang kanilang kooperatiba.

Ang Climate Resilient Farm Productivity Support Project ng DAR ay isang proyekto na naglalayong masustain ang produksyong pang-agrikultura bilang pangunahing paraan ng pangkabuhayan ng ararian community at isa ring kahandaan laban sa epekto ng climate change. (SDR/VLG/PIA-Surigao del Norte)

 

 

 

source https://pia.gov.ph/news/articles/1045430

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: