KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Tagalog News: DA CALABARZON nagkaloob ng livelihood assistance sa mga magsasaka sa ilang bayan sa BonPen

March 14, 2021 Uncategorized
Namahagi ng 348 kambing ang DA Region IV-CALABARZON sa mga backyard hog raisers na apektado ng African Swine Fever (ASF) sa mga bayan ng Catanuan, Mulanay at San Nicolas bilang alternatibong pagkakakitaan dahil sa pesteng dulot ng ASF sa mga baboy sa mga nabaggit na lugar. (Photo: DA Region IV-CALABARZON RAFIS/Caption: CPGonzaga, PIA-4A)

LUNGSOD NG CALAMBA, Laguna, Mayo 28 (PIA) –Nagkaloob kamakailan ang Department of Agriculture (DA) Region IV-CALABARZON ng livelihood assistance para sa mga backyard hog raisers na apektado ng African Swine Fever (ASF) sa ilang bayang nasasakupan ng Bondoc Peninsula sa lalawigan ng Quezon.

Sa pamamagitan ng Regional Livestock Program ng DA Region IV-CALABARZON, may 348 kambing ang ipinamahagi sa mga magsasaka sa mga bayan ng Catanuan (57 kambing), Mulanay (239 na kambing) at San Nicolas (52 kambing) noong Mayo 19, 2020.

Nauna rito, nagkaloob na rin ng mga baka ang DA Region IV-CALABARZON sa mga nabanggit na bayan noong Abril 22, 2020 sa pakikipag-ugnayan sa provincial veterinary office at sa mga municipal agriculture office sa bawat bayan.

Sinabi ni Regional Director Arnel de Mesa ng DA Region IV-CALABARZON na sila ay palagiang nakahanda upang suportahan ang mga apektadong magsasaka sa pamamagitan ng pagkakaloob ng baka, kambing, manok at broiler bilang alternatibong hanapbuhay kapalit ng pag-aalaga ng baboy.

“Bagamat wala pang bakuna laban sa nakamamatay na sakit na ito ng mga baboy, kinakailangan suportahan ang mga backyard hog raisers sa pamamagitan ng pagbibigay ng feeds, pabahay, kulungan ng mga hayop, gamot upang maipagpatuloy ang kanilang produksyon at mapagkakakitaan,” ani ni de Mesa.

Maliban sa pagkakaloob ng mga livestock inputs, isa rin ang urban gardening na isinusulong para sa mga apektadong nag-aalaga ng baboy. Sa mga interesadong magsasaka, maaari silang makakuha ng urban gardening package na binubuo ng mga buto ng gulay, organic fertilizer, mga kagamitan sa pagtatanim at mga kinakailangan info-materials.

“Kaugnay ng rehabilitation program para sa mga magsasakang apektado ng ASF, ang regional office ay patuloy sa pagpapatupad ng mga kinakailangang precautionary measures at interventions upang mapigilan ang paglaganap ng ASF sa rehiyon,” pagtatapos ni de Mesa. (CPG, PIA-4A at ulat mula sa DA-RFO IVA, RAFIS)

 

source https://pia.gov.ph/news/articles/1042551

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: