KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Tagalog News: COVID-19 cases sa Caraga region, pumalo na sa 87

March 14, 2021 Uncategorized

LUNGSOD NG BUTUAN, Hunyo 26 (PIA) — Kinumpirma ng mga local health authorities ang pagtaas ng kumpirmadong kaso sa Caraga region na pumalo na ngayon sa 87.

Base sa datos ng Department of Health (DOH) Caraga, 13 sa mga kumpirmadong kaso ay Returning Overseas Filipinos (ROFs) habang 53 naman ay Locally Stranded Individuals (LSIs).

Dahil sa pagtaas ng kaso at ng pagkakaroon ng local transmission ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), isinusulong na ngayon ng mga local government units (LGUs) ang pagsasagawa ng malawakang testing.

Matapos ang pagpapatupad Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa 33 na mga barangay ng syudad, patuloy ang committee hearing ng Legislative Council ng local na pamahalaan ng Butuan City sa pagbabalangkas ng ordinansa ukol sa malawakang rapid testing.

Sa probinsya ng Agusan del Sur, inilahad ni Provincial Governor Santiago Cane sa isang Facebook post niya noong Hunyo 21 na isasailalim sa libreng rapid testing ang mga indibidwal na kabilang sa Authorized Persons Outside of Residence (APOR), lalo na ang mga galing sa Butuan City, hangga’t maubos ang supplies ng kit.

Bagamat inaprubahan na ang request ng Caraga Regional Task Force against COVID-19 One Caraga Shield (RTF-COCS) ukol sa moratorium para sa lahat ng modes of transportation ng mga LSIs at ROFs, patuloy ang pagpapauwi ng mga stranded na indibidwal kung kaya’t kinakailangan ang access sa malawakang testing.

Pinaigting na din ang border control sa loob ng mga probinsya sa rehiyon. Kinakailangan magpakita ng travel authority ang lahat ng mga residenteng bumabyahe, lalo na ang galing sa lungsod ng Butuan, kahit sa mga lugar na isinailalim sa Modified Community Quarantine (MGCQ).

Sa kabila ng pagtaas ng kumpirmadong kaso, tumaas na din ang bilang ng recovered cases sa rehiyon. Umabot na sa 16 ang recoveries. Kasalukuyang may 71 na active cases ang rehiyon. (DMNR/PIACaraga)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1045830

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: