KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Tagalog News: Calapan, tumanggap ng unang punlang pananim mula sa DA

March 14, 2021 Uncategorized
Pamamahagi ng mga punlang gulay pinilahan ng mga residente ng Barangay Sta. Maria Village bitbit ang kani-kaniyang lagayan tulad ng katawan ng sagnig at karton upang makakuha ng mga punlang pananim.  (Larawan mula sa DA Mimaropa)

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Mayo 14 (PIA) — Alinsunod sa proyektong “Gulayan sa Bakuran” ng Kagawaran ng Pagsasaka-Mimaropa  sa  ilalim ng programang ‘Plant, Plant, Plant’ ni Kalihim William Dar, tumanggap ang Lungsod ng Calapan ng paunang 3,480 na punlang gulay na ipinamigay sa dalawang barangay.

Ipinamahagi noong Mayo 6-7 ang mga libreng punlang gulay na pananim sa mga residente ng Barangay Lumangbayan at Sta. Maria Village.

Bitbit ang kanya-kanyang materyales na paglalagyan ng ipinamigay na punlang gulay tulad ng plastik,  karton,  timba at dahon o katawan ng saging tumanggap ang mga residente ng mga nasabing barangay ng kamatis (800), talong (750), sitaw (500), sili panigang (500), okra (330), kalabasa (250) at upo (350).

“Layunin ng proyektong matugunan ang food sufficiency sa Lungsod ng Calapan sa pamamagitan ng pagtatatag ng isang homeyard supply ng mga punlang may sibol na nang sa gayo’y maibsan ang suliranin ng pagpapatubo nito at ang pagkaimbak ng mga binhing ipinapamigay ng Kagawaran. Hangad din ng proyektong tangkilikin ng mga residenteng naninirahan sa syudad ang urban gardening para sa patuloy na suplay ng gulay sa panahon ng community quarantine,” ayon kay Agricultural Program and Coordinating Officer Coleta Quindong.

Aniya ng residenteng si Arlene Castillo mula sa Barangay Sta. Maria Village, “maganda yung mga pinamigay na mga ito (mga punla), pang-convenience at pang-sustain na pagkain ngayong panahon para sa hapag-kainan ng pamilyang Mindoreño. Malaki rin ang naitutulong ng pag-aalaga ng halaman sa pag-aalis ng stress, na number one para sa akin.”

“Nung una kasi, hindi kami makapagsibol lalo na at wala masyadong nagtatanim sa amin at minsan hindi nagagalaw kung may nakatabing buto pero dahil dito, madadalian na kami dahil sibol na,” banggit ni Ces Laverez, residente mula Brgy. Lumangbayan ng lungsod. “Maraming matututong magtanim, tapos kapag tumubo may maha-harvest pa kaming gulay which is kailangan ngayon,” dagdag niya.

Sa pangunguna ni Science Research Specialist Genesis Castro na siya ding namamahala sa mga punla at nakikipag-ugnayan sa mga punong barangay ng nasabing mga lugar, naunang nabigyan ang mga residente sa nabanggit na mga barangay dahil malapit ito sa Barangay Guinobatan kung nasaan ang nursery ng programa.

Sinimulan ng ahensya ang pamimigay ng punlang pananim noong Abril 25 para sa mas pinalawig na programa ng Kagawaran, ang Plant, Plant, Plant Program. Sa sunod na iskedyul ng pamamahagi sa lungsod ay sa Mayo 21-22 — ang Barangay Camilmil at Lalud naman ang makakatanggap ng punlang gulay.

Kasabay ng pamimigay ng punlang gulay sa mamamayan, tuloy rin ang pagtatanim ng mga tauhan ng Kagawaran upang patuloy na matugunan ang pangangailangan sa pagkaing gulay ngayong panahong may krisis ng COVID-19. (LC/PIAMimaropa/Calapan)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1041736

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: