KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Tagalog News: Benepisyaryo ng4Ps sa Santa Maria, Laguna nag-ambagan para makatulong

March 14, 2021 Uncategorized

BAY, Laguna, Hulyo 9 (PIA) – Bagaman mga salat rin ang katayuan, bukas-palad na nag-ambagan ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps sa bayan ng Santa Maria, Laguna upang makakalap ng pondo na magagamit sa pagtulong sa kanilang mga kababayan.
 
Malugod na ibinalita ni Santa Maria Mayor Ma. Rocelle “Cindy” Carolino sa kanyang opisyal na Facebook page ang pagtutulungan ng mahigit 1,200 miyembro ng 4Ps sa kanilang bayan, kung saan nakaipon sila ng pondong nagkakahalagang P122,000.
 
“Dahil nga sila ay medyo tinutuligsa dahil sa mga ayudang sila ang unang nakakatanggap, nagisip sila ng magagawang para naman maiba ang tingin sa kanila. Kaya napag-kaisahan nila na mag boluntaryong ambagan. P100 per member noong kanilang pay-out,” sinabi ng Alkalde sa Philippine Information Agency (PIA) Calabarzon.
 

Pakikipagpulong ni Mayor Carolino sa mga miyembro ng 4Ps at kawani ng MSWDO ukol sa pamamahagi ng ayuda. (Larawan mula sa Mayor Cindy Carolino FB page)

Ayon kay Mayor Carolino, nalikom ang nasabing halaga sa pamamagitan ng pag-aambagan ng tig-P100 kada miyembro at ang kanilang nalikom ay naipambili nang may kabuuang 646 family food packs.
 
Naipamahagi na ang nasabing ayuda sa mga pamilyang hindi nakatanggap ng SAP at hindi nakatatanggap ng pensyon sa 25 mga barangay sa bayan ng Santa Maria sa pangunguna ni Municipal Link (ML) Michael Cinena at Parent Leader President na si Maritess Enalpe noong nakaraang ika-30 ng Hunyo.
 
Tumukoy sila ng 25 pamilya mula sa bawat barangay bilang benepisyaryo base sa nasabing kwalipikasyon.
 
Personal na inihatid ng mga kawani ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at ng mga boluntaryong miyembro ng 4Ps ang mga food packs sa tahanan ng mga benepisyaryong napili.
 
“Napag-usapan po ng mga parent leader sa kanilang Group Chat na magkaroon sila ng bahagi na makatulong ngayong panahon ng COVID at ito na nga po ang kanilang naisip na isang paraan para makatulong, ang makabigay sila ng ayuda sa kanilang mga kababayan sa pamamagitan ng ambagan ng lahat nang miyembro,” kwento ni ML Cinena.
 
Ganunpaman, nilinaw niya na hindi compulsory o sapilitan ang pag-aambag lalo na at hindi lingid sa kanilang kaalaman na may mga miyembro sila na kapos at may mga pinagdadaanang suliranin sa buhay.
 
Sinabi ni Cinena na bukod sa gusto talaga nilang makatulong sa kanilang mga kababayan ay nais rin nilang ipakita sa lahat na kabilang man sila sa poorest of the poor at umaasa rin sa ayuda ng gobyerno ay kaya rin naman nilang tumulong sa iba.
 
 
Paliwanag naman ng Presidente ng mga parent leader na si Enalpe, “Ang nagtulak po sa akin ay iyong (pagnanais na) maiangat po kaming mga miyembro ng Pantawid sa kabila po ng pangbabatikos sa amin ng ibang tao na puro kami na lamang po ang priority lagi ng gobyerno.”
 
Aniyanais nilang ipakita na kahit sa mahirap rin nilang katayuan sa buhay ay handa silang tumulong sa kanilang kababayan sa oras ng ganitong sitwasyon.
 
“Kaming mga miyembro po ng Pantawid ay handang tumulong sa oras rin po ng kagipitan sa ating bayan,” saad nito.
 
Dahil sa mabuting gawain na ito ay kinilala ng lokal na pamahalaang ng Santa Maria at pinasalamatan ang mga miyembro ng 4Ps sa lokalidad.
 
Nagpahayag si Mayor Carolino sa kanyang opisyal na Facebook page kung gaano niya ipinagmamalaki ang mga miyembro ng 4Ps sa kanilang bayan. (Joy Gabrido/PIA4A)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1047069

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: