KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Tagalog News: Bagong Reg’l Executive Director ng DENR Mimaropa, itinalaga

March 14, 2021 Uncategorized
Tinanggap ni Gng. Ma. Lourdes G. Ferrer (pangatlo mula sa kaliwa) ang watawat ng DENR Mimaropa bilang pagtanggap sa posisyong Regional Executive Director ng nasabing ahensya. (Larawan mula sa DENR Mimaropa)

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Hun. 21 (PIA) — Pormal nang tinanggap ni Gng. Ma. Lourdes G. Ferrer ang watawat ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Mimaropa bilang pagtanggap sa posisyon ng Regional Executive Director (RED) ng DENR Mimaropa. Ang seremonya ng turn-over ay alinsunod sa DENR Special Order No. 2020-191 na may petsang Hunyo 5.

Pinangunahan ni DENR Undersecretary Jim Sampulna ang seremonya ng turn-over na ginanap sa DENR Mimaropa Regional Office sa Maynila kasama si outgoing RED Henry Adornado.

Samantala, si outgoing RED Henry Adornado ay muling itinalaga  bilang Direktor ng Ecosystems Research and Development Bureau (ERDB) alinsunod sa DENR Special Order No. 2020-192.

Naging saksi din sa naturang seremonya ng turn-over sina Undersecretary Juan Miguel Cuna, Assistant Secretary Nonita Caguioa, Director Nilo Tamoria, Director Ricky Arzadon, Environmental Management Bureau (EMB) Regional Director Michael Drake Matias, Mines and Geoscience Bureau (MGB) Regional Director Roland De Jesus, ARD Vicente Tuddao, Jr at ARD Bighani Manipula. (LC/PIAMimaropa/Calapan)

 

source https://pia.gov.ph/news/articles/1045262

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: