KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Tagalog News: Angono LGU, suportado ang local businesses gamit ang social media

March 14, 2021 Uncategorized

LUNGSOD NG ANTIPOLO, Rizal, Hunyo 11 (PIA)– Inaanyayahan ng Pamahalaang Bayan ng Angono ang mga local business owners na magpadala ng mga request upang ma-feature at advertise sa Facebook Pages ng LGU.
 
Ayon sa isang social media post ng Angono Public Information Office, maaring magpasa ng mga detalye ang mga may-ari ng negosyo sa PIO ng mga sumusunod na detalye: Pangalan ng Negosyo, Pangalan ng may-ari o marketing staff, Business type, Lokasyon, operating hours at Contact details.
 
Paraan rin ito upang maipaalam sa mga suki kung ang negosyo ay bukas na, opening at closing time, kung mayroong delivery services/pick-up / walk-in, latest menu o services at iba pa.
 
Maari ring makinabang ang mga may bagong bukas pa lang na negosyo upang maipakilala ng libre ang kanilang mga produkto o serbisyo.
 
Ang nasabing inisyatibong nina Mayor Jeri Mae Calderon at Vice Mayor Gerry Calderon ay naglalayong tulungan ang mga nagnenegosyo sa Angono na apektado ng nagdaang ECQ at kasalukuyang GCQ.  (PIA Rizal may ulat mula sa Angono PIO)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1044415

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: