KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Tagalog News: 90 fiberglass boats ipinamahagi ng BFAR sa OccMin

March 14, 2021 Uncategorized
Sinabi ni Edgar Payas, OIC Provincial Fishery Officer, na ang programa ng pamamahagi ng fiberglass boats ay ayuda ng pamahalaan sa mga mangingisdang naapektuhan ng mga nagdaang kalamidad. (BFAR Occ Min)

SAN JOSE, Occidenal Mindoro, Mayo 19 (PIA) – Namahagi kamakailan ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng 90 fiberglass boats sa mga mangingisda sa iba’t ibang munisipalidad sa lalawigan.

Ayon kay Edgar Payas, tagapamahala ng BFAR Occ Min, ang unang 30 fiberglass boats ay ibinigay sa 60 mangingisda ng Paluan. “Ang bangka ay may sukat na 20 talampakan at itinalaga ang isa sa kada dalawang mangingisda,” paliwanag ni Payas. Aniya ang ganitong kalakaran na paggagawad sa dalawa o tatlong mangingisda ng isang bangka ay upang matiyak na hindi maibebenta ang nabanggit na fiberglass boats, na mahigpit na ipinagbabawal ng programa.

Kasunod na pinagkalooban ay ang bayan ng Mamburao, kung saan 72 mamamalakaya ang biniyaan ng 24 fiberglass boats na may sukat namang 30 talampakan bawat isa. “Sa Mamburao, tatlong mangingisda ang magmamay-ari ng bawat isang bangka,” ani Payas. Ipinaliwanag ng opsiyal na ang mas malaking sukat ng mga bangka ay batay sa kahilingan ng mga samahan ng mga mamamalakaya ng nabanggit na bayan na nakatuon ang industriya sa pangangawil ng Tuna.

Tumanggap din ng kaparehong uri ng bangka ang mga Tuna Fishers Association sa mga munisipalidad ng Rizal, Calintaan, Sablayan, Sta Cruz, Mamburao at Paluan.

Pinakahuling nabiyayaan ng programa ang San Jose kung saan 60 mangingisda ang mga bagong nagmamay-ari ng 30 fiberglass boats na may sukat na 20 talampakan bawat isa. “Itong pinakahuli nating ibinigay ay pagtugon ng ahensya sa kahilingan ni Representative Josephine Sato at Mayor Romulo Festin ng bayang ito,” saad ni Payas.     

Paliwanag ng opisyal, ang programa ng pamamahagi ng fiberglass boats ay ayuda ng pamahalaan sa mga mangingisdang naapektuhan ng mga nagdaang kalamidad. “Kasama ang makina at elisi ng bangka sa ibinigay natin, at kasunod na ipapamahagi ng ahensya ay lambat, tuna handline, multiple hookline, payao at iba pa,” ayon pa kay Payas.

Samantala, katuwang sa programa ang mga lokal na pamahalaan na siyang namahala sa pagpili ng mga bibiyayaan ng bangka. Kabilang sa pamantayan sa pagkuha ng mga benepisyaryo ay sa magkamag-anak o magkapitbahay iginawad ang isang fiberglass boat, upang malimitahan ang anumang posibleng problema.

“Bagama’t libreng ibibigay ang ating mga fiberglass boats, nakaatang naman sa ating mga mangingisda ang paglalagay ng katig,” ani Payas. Kailangan din aniyang i-ulat ng mga benepisyaryo ang kanilang kabuuang huli kada buwan upang makatulong sa kinukuhang datos ng ahensya sa mga nahuling isda sa lalawigan. (VND/PIA MIMAROPA) 

source https://pia.gov.ph/news/articles/1042409

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: