KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Tagalog News: 54 Returning Overseas Filipino na taga-Palawan, dumating na

March 14, 2021 Uncategorized
Palwenyong ROF
Kinukunan ng mga frontliner ng body temperature ang mga Returning Overseas Filipino (ROF) na dumating sa pantalan ng Lungsod ng Puerto Princesa kaninang madaling araw. (Larawan mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan)

PUERTO PRINCESA, Palawan, Mayo 27 (PIA) — Dumating na kaninang madaling araw sakay ng barkong M/V St. Leo the Great ng 2GO Travels ang 54 Returning Overseas Filipinos (ROFs) na taga-Palawan.

Ang mga ito ay na-stranded sa kamaynilaan nang ipatupad ang community quarantine dulot ng Coronavirus Disease 2019.

Ang mga nasabing ROFs ay pinayagan nang makabiyahe pauwi ng Palawan matapos na makapag-comply ng mga requirement ng Inter-Agency Task Force (IATF) tulad ng Medical Clearance at Travel Authority.

Tatlumpo’t pito sa mga ito ay taga-Lungsod ng Puerto Princesa habang 17 naman ang mga taga-munisipyo kung saan nauna nang bumaba ang anim sa kanila sa bayan ng Coron at 11 nalang ang ihahatid sa iba’t-ibang munisipyo sa mainland Palawan.

Mahigpit naman ang ipinatupad na health protocols ng Provincial at City Incident Management Team sa pagdating ng mga ROF kung saan naka-full personal protective equipment (PPE) ang mga ito upang masiguro ang kaligtasan ng bawat isa.

Pagbaba ng barko ay sumailalim ang mga ROF sa non-contact thermometer upang matukoy kung mayroong may lagnat o may mataas na body temparature.

Matapos ang mahigpit na health protocols sa mga dumating na ROFs ay agad ding pinasakay ang mga ito sa mga sasakyan mula sa bawat Local Government Unit (LGU) gayundin mula sa Pamahalaang Panlungsod at diretso silang ihahatid sa quarantine facility na inihanda ng siyudad at ng mga munisipyo kung saan residente ang mga ito kung saan sasailalim ang mga ito sa 14-day quarantine period.

Sa ikapitong araw ay ng kanilang quarantine period ay idadaan ang mga ito sa rapid testing upang mas masiguro na ligtas sila sa COVID-19. Matapos ang 14-day quarantine at kapag nag-negatibo ang mga ito sa pagsusuri ay papauwiin na ang mga ito sa kani-kanilang pamilya.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang pakikipag-ugnayan ng pamahalaang panlalawigan sa ilan pang mga ROF at Locally Stranded Individuals (LSIs) na mga Palaweño na naabutan ng lockdown sa iba’t-ibang bahagi ng bansa na nais nang umuwi sa lalawigan. (OCJ/PIA-MIMAROPA)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1042902

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: